Local News

Mayor Isko, PinaTANGGAL ang Litrato at Pangalan niya sa mga Public Schools at Gyms!

“Bawal ang epal. Tigilan na natin yan,”

Ipinagbawal na ni Manila Mayor Isko Moreno ang paglalagay ng mga larawan at pangalan ng mga politiko sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Maynila. Ipinag-utos rin niya na tanggalin ang mga pangalan ng politiko sa mga nasabing lugar.

Ayon sa alkadle, hindi pera ng mga politiko ang ginamit sa mga proyekto kundi pera ng mga mamamayan.

Nilinaw din ni Mayor Isko na pati ang pangalan at litrato niya ay dapat tanggalin.

“Huwag natin pulitikahin ang ating mga paaralan. Let’s leave politics to politicians, and our educational institutions to academicians…Walang epal sa pader ng eskwelahan. Walang epal sa mga basketball court, gymnasium na pinagawa ng mga pulitiko sa loob ng eskwelahan. Bawal ang epal. Tigilan na natin ‘yan… Pinatatanggal ko lahat ng pangalan, ultimo ang pangalan ko at pangalan ng mga pulitiko, na nakapintura o nakakabit sa mga eskwelahan… Lahat ng mga naglalagay na pulitiko ng kanilang mga pangalan as if you are immortalizing yourself or as if it is your money, that is not your money. Pera yan ng taumbayan,” sabi ni Mayor Isko.

Naging laman ng balita si Mayor Isko nitong mga nagdaang araw dahil sa mga pagbabago na ipinatutupad niya sa Maynila.

Ilan sa mga kinabiliban ng mga kababayan natin ay ang clearing operations laban sa mga illegal vendors na nagtitinda sa kalsada ng Recto, Divisoria at Juan Luna. Kung noon ay mahirap dumaan ang mga sasakyan sa mga naturang kalsada, ngayon ay mabilis na nakakabagtas ang mga motorista sa mga kalye.

Sinabi ng alkalde na mayroong nag-alok ng suhol sa kanya na P5 million kada araw para hayaan na lang ang mga vendors sa kalsada pero binalaan niya ang mga ito.

Magugunita rin na pinagsisira din ni Mayor Isko ang mga nakumpiskang video karera machines na dahilan ng pagkalulong ng mga kabataan sa bisyo.

Maaalala noong katatapos ng 6 na buwang rehabilitasyon ng Boracay ay pinabaklas din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga banners at streamers na may pagpapasalamat sa kanya.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang mga posters na nagpapasalamat sa Presidente sa paglinis at rehabilitasyon ng Boracay. Base pa sa pahayag ni Puyat, hindi raw gusto at naasiwa ang Presidente sa mga papuri.

“I saw a post – someone sent it to me – which says, ‘Thank you PRDD for Saving Boracay’… He said that is corny. He doesn’t like it. He doesn’t want to be glorified,” ani Puyat.

Source: GMA News | News5 | Philippine Star | Manila Public Information Office

Leave a Reply

Theme by Anders Norén