Local News

Mayor Sara, Dinamay ni De Lima sa Pagbanat kay PDU30!

Maugong ngayon ang usaping ukol sa Charter Cha (Cha-Cha). Ito ay matapos mapabalita na naghain sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Franchis Tolentino ng resolusyon para baguhin ang panuakalang batas.

Isiniwalat din ni Senate President Tito Sotto na gusto daw gamitin ni Pangulong Duterte cha-cha upang buwagin ang partylist system sa kongreso. Nagagamit daw kasi ng mga rebeldeng komunista ang nasabing sistema para sa kanilang kilusan.

Nagbigay naman ng kaniyang kuda ang nakakulong na senadora na si Leila De Lima ukol sa ikinakasang cha-cha. Ayon kay De Lima, ginagamit lang daw ito ng mga presidenteng matatapos na ang termino upang magtagal pa sa pwesto. Pinasaringan din niya ang pagiging numero uno ni Davao City Mayor Sara Duterte sa survey sa pagka-presidente.

“Cha-cha na naman!? Akala ko ba number one sa survey si Sara?

Charter change has always been the resort of Philippine President whose hold on power is about to end. Only Cory Aquino and her son Noynoy did not push for charter change,” patutsada ni De Lima.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén