Local News

Mayor Sara, Sinupalpal ang Leftist na Kongresista ng Bayan Muna!

Noong nakaraang buwan, iginiit ni Davao Mayor at Presidential daughter Sara Duterte ang pagpapasara ng 11 tribal schools na pinapatakbo ng Salugpongan Ta’ Tanu Igkanugon Community Learning Center Inc. (STICLCI).

Ayon sa Alkalde, ang mga estudyante sa na mga naturang paaralan ay ginagamit upang makalikom ng pondo pero hindi napupunta sa dapat pabigyan, kundi ginagamit sa paninira sa pamahalaan sa pamamagitan ng anti-government propaganda.

Hindi nagustuhan ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat ang hakbang ni Mayor Sara na pagpapasarado samga lumad schools sa lungsod ng Davao.

“Ang anak na ito ng pangulo ay hindi na nahiya sa pinagsasasabi niyang kasinungalingan, at pinaggagagawa niyang pagpapatuta sa mga militar… Sa halip na suportahan ang pagsusumikap naming mga Lumad na makapag-aral, na dapat gawin ng mga katulad niyang opisyal ng pamahalaan, ay itinuturing pa niya itong masama? Anong kabastosan ito?”,” sabi ni Cullamat.

Bumuwelta naman si Mayor Sara sa makakaliwang kongresista at pinagbibitiw ito sa puwesto.

“Siya dapat ang mahiya, di nga siya nagbabasa ng Phil. Constitution… (You should) resign first from Congress before she attacks the DepEd (Department of Education), AFP (Armed Forces of the Philippines) and government in general,” resbak ni Mayor Sara.

Ayon pa sa Alkalde ng Davao, ang mga naturang paaralan na ipinagtatanggol ni Cullamat ay eskwelahan ng mga bandidong New People’s Army (NPA).

“The government pays for her office. The same government that has helped hundreds if not thousands of IP (Indigenous Peoples) students compared to the NPA (New People’s Army) school they call Salugpungan,” buwelta pa ni Mayor Sara.

Source: Philippine News Agency | ABS-CBN | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén