Local News

Mayroon bang Doktor sa Senado? Marcoleta, may Resbak sa mga Pabidang Senador!

Hindi nakapagpigil si SAGIP Party-list Representative Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa ginawang pagdinig sa senado ukol sa COVID-19 Vaccination Plan ng pamahalaan.

Buwelta ng kongresista, tila nagmamarunong pa raw ang mga senador kumpara sa mga nalalaman ng mga health officials.

“Bakit ba mas marunong pa sila sa mga doktor. Hindi ba kapag ang pinag-usapan tungkol sa gamutan at kalusugan, pagkatiwalaan na lang natin ‘yung mga tao may kinalaman at nag-aral naman kung papaano gagamutin ang isang tao lalong-lalo na kung papaano gagamutin ang bansa. E, wala naman atang doktor sa senado. Merun ba?” sabi ni Rep. Marcoleta.

Matatandaang ilang senador ang umeeksena pagdating sa vaccination program ng pamahalaan. Maging si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nabuwisit na rin sa ilang senador.

“So about time na you just — a little bit — i-ano ninyo ‘yang utak sa corruption-corruption. I don’t know why are you so occupied sa mga corruption. Now, maghanap kayo hindi dito, baka sa inyo. Baka sa departamento ninyo, hindi dito sa akin… So ang gawain natin until the last minute. Ito sabihin ulit ni (Vaccine Czar) General Galvez sa inyo ‘yan. Hindi iyan mabayaran hanggang hindi dumaan kay (Finance Secretary) Dominguez pati sa akin. Naintindihan ninyo? Walang pakialam diyan… All that Galvez can do is just to come to an agreement as representative or agent of the Republic of the Philippines. He has no say sa bayaran kung saan because it is purely papel. Kunin ng manufacturer ‘yan doon sa mga bangko kasi doon tayo naghiram at diretso ang bayad galing bangko to the manufacturer. Hindi na tayo makialam diyan. And the pricing and the paper will not be final until it is reviewed by the Secretary of Finance kasi siya ‘yung magbayad pati ako. Kung maintindihan ninyo,” resbak ng Presidente.

Source: Mindanao Daily Mirror

Leave a Reply

Theme by Anders Norén