Local News

Meat Products, Nag-Positibo sa African Swine Flu! Brand ng Produkto, Hindi Binubunyag?

Kinumpirma na ng Bureau of Animal Industry na tatlong meat sample ang atuklasang nagtataglay ng African swine fever (ASF). Sa pamamagitan ng polymerase chain reaction test, nalaman na nagpositibo ang mga karne. Ang mga produktong tinesting ay longganisa, tocino, hotdog. Ang report ay may petsang Oktubre 15.

Umalma naman ang Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) sa ulat. Ayon sa PMAPI, maaaring gusto lang sirain ang imahe ng meat processing industries.

“All our processes, we have respected the rules. Anyone could taint the samples.. “And if they wanted the results out, they would not wait for another week before they release that. We are just concerned on their timing,” sabi ni PAMPI spokesman Rex Agarrado.

Gusto rin ng PAMPI na pangalanan ng ahensiya kung anong brand ng processed meat ang nag-positibo sa ASF.

Ganito rin ang panawagan ng Laban Konsyumer. Ayon sa Presidente nito na si Vic Dimagiba, dapat mag-isyu ng show cause order at i-recall ang mga kontiminadong produkto, maging lokal man ito o imported.

Magugunia na nai-leak ang clinical laboratory report ng bureau’s Veterinary Laboratory Division sa media kung saan nakasaad na tatlong meat samples ang nag-positibo sa ASF. Kaya lang burado ang ibang detalye.

“Bakit ganun? Nag-test ng vinegar na synthetic ingredients but the brand names were not disclosed to consumers. Now, processed meat contaminated with ASF but brands not likewise identified for the consumers… Kung nag-iingat sila sa process they should issue show cause for the brand owner/s to explain. The process is in the Food Safety law,” sabi ni Dimagiba.

Source: GMA News | ABS-CBN News | Philippines Star

Leave a Reply

Theme by Anders Norén