Local News

Media, Pwedeng Mag-Operate Kahit Pending ang Franchise Renewal ayon kay DOJ Secretary!

Kahapon ay nagbanta si Solicitor Geneal Jose Calida na pwedeng kasuhan ang mga opisyal ng National Telecommunications COmmission kung bibigyan ng provisional permit to operate ang ABS-CBN kahit walang pang prangkisa.

“The NTC commissioners risk subjecting themselves to prosecution under the Anti-Graft and Corrupt Practices Act should they issue the unlawful PAs (provisional authorities) to ABS-CBN Corporation and ABS-CBN Convergence in the absence of franchise,” ani ni SolGen Calida.

Iba naman ang naging opinyon ni Department of Justice Secretary Menardo GUevarra sa isyu. Ayon sa kalihim, maaaring pa rin ituloy ng mga media ang operasyon nito kahit na nakabinbin pa sa kongreso ang franchise renewal nito.

“The DOJ stands by its position that there is sufficient equitable basis to allow broadcast entities to continue operating while the bills for the RENEWAL of their franchise remain pending with Congress… While existing laws provide that a person who wishes to operate a radio/TV station must first obtain a legislative franchise and thereafter a license to operate from the NTC, there is NO LAW that governs the rights and obligations of a person or entity who has ALREADY BEEN GRANTED a legislative franchise and has fully operated for many years, has applied for the renewal of its franchise long before the expiration thereof, but for reasons not attributable to said person or entity, the legislature has not yet acted on the renewal of said franchise,” sabi ni Sec. Guevarra.

Matatandaang may ilang pagkakataon na pinagbantaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ABS-CBN na tatablahin niya ang franchise renewal ng istasyon dahil hindi pinalabas ng network ang kanyang campaign advertisement noong kampanya 2016 elections. Ito ay kahit tinanggap ng media outlet ang kanyang bayad.

Sa senate hearing, humingi ng tawad si ABS-CBN President Carlo Katigbak sa Presidente. Ito naman ay tinanggap ng Pangulong Duterte.

Source: Manila Times | ABS-CBN | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: