Local News

Mega Star Sharon Cuneta, Nagsumamo kay DU30 para I-renew ang ABS-CBN!

Bago pumasok ang taong 2020 ay nagbanta si Pangulong Rodmrigo Roa Duterte na haharangin niya ang renewal ng legislative franchise ng ABS-CBN. Magugunita na sinabi pa ng Pangulong Duterte na ibenta na lang ng mga may-ari ng kumpanya ang kanilang network.

“Your contract is about to expire. You will try to renew it but I don’t know what will happen to that… Kung ako sa inyo ipagbili niyo na ‘yan. Kasi ang mga Filipino ngayon lang makaganti sa inyong kalokohan. And I will make sure that you will remember this episode of our times forever,” banat ni Pangulong Duterte.

Ilang personalidad na sa larangan ng showbiz ang naki-usap kay Pangulong Duterte para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

“Maybe there are things that hindi agree about, (but that) does not mean lahat ng flaws po nyo nakikita namin. I don’t know what’s right and wrong for you at ano ang pinakaugat at puno nito bakit humantong sa ganito… Pero sir, sana po ma-consider po ninyo ang ibang artists na nagtatrabaho sa industriyang ito na tulad namin. Baka lang po, kumakatok lamang kami sa puso ninyo na baka maaari naman na hindi maputol yung source of living namin,” sabi ng singer at ABS-CBN talent na si Yeng Constantino.

Ngayon ay sumali na rin si Mega Star Sharon Cuneta sa mga talent ng ABS-CBN na nagsusumamo kay Pangulong Duterte para i-renew ang prangkisa ng network.

“I pray that our dear President reconsiders his decision about ABS-CBN… not just because I just renewed. I can always find a job. But everybody I grew up with here… who have become family, good friends, will lose almost everything they built over the years…” sabi ni Cuneta.

Ipinaalala ni Cuneta ang libo-libong mga empleyado ng naturang kumpanya na maapektuhan kung hindi mare-renew ang prangkisa ng network giant.

“So, I hope in my heart that our dear President reconsiders the thousand and thousands of employees who have grown up here, learned the ropes here. And that includes me,” dagdag pa ni Cuneta.

Source: Philstar | Philstar | PEP |

Leave a Reply

Theme by Anders Norén