Local News

Mel Tiangco atbp, Nakaresbak na ba sa Tigil Operasyon ng ABS-CBN?

Nagulat ang buong bayan kahapon nang ilabas ng National Telecommunication Commission (NTC) ang kautusan na patigilin ang ABS-CBN sa pag-ere dahil sa pagkapaso ng prangkisa nito.

Kasabay ng sinapit ng ABS-CBN ay may mahiwagang social media post ang retiradong mamamahayag na si Jay Sonza. Binanggit niya ang ilang personalidad na dating naging bahagi ng kumpanyang pag-aari ng Lopez Family na siya ring may-ari ng ABS-CBN.

“Hindi talaga natutulog ang Diyos. Tiya Dely Izza Reniva-Cruz. Ruth Abao. Mel Tiangco. Angelique Lazo. V-100s,” banat ni Sonza.

Magugunita na may hindi magandang karanasan ang tandem na si Sonza at Tiangco sa kamay ng ABS-CBN. Noong dekada nobenta ay nauwi sa demandahan ang paglipat nina Sonza at Tiangco sa GMA7 mula ABS-CBN. Nag-ugat ang sigalot sa dalawang panig nang lumabas sa isang patalastas si Tiangco na diumano’y walang pahintulot ng ABS-CBN.

Matatandaang sa isang panayam noong 2013, naglabas ng sama ng loob si Tiangco sa naging karanasan niya sa Kapamilya Network.

“Naku, baka hindi puwede! Kasi yun ang pang-aapi sa akin ng ABS… Pero puwede ba yun? Baka idemanda tayo… Kasi kung meron mang bahagi ng buhay ko na may matinding pinagdaanan ko—iyon, eh… Dini-describe ko nga nun na, feeling ko, para akong ipis nun. Alam n’yo naman kung paano ba patayin ang ipis? Di ba, tinatapakan, tapos idiin pa para mapisa nang husto? Ganun ang feeling ko nun… Ang natutunan ko lang sa experience na yun, ‘You cannot put a good man down… Pero alam mo noon, litung-lito ako, na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko… Kasi, you know, I love that company very much. I gave everything I had… Bakit ako ginaganito?’ Yun lang ang umaano sa isip ko, ‘Ano ba ang ginawa ko? Bakit nila ako ginaganito?’ But I did not lose my equilibrium. I did not lose my balance… Dun na rin ako humugot ng lakas, kasi alam ko na mabuting tao ako. Alam ko na mabuting empleyado ako,” sabi ni Tiangco.

Source: Jay Sonza | PEP | SPOT | Superbalita Cebu | Archive | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: