Local News

Menor De Edad, Ginahasa at Sinimukaraan ng Pari sa Bahay Ampunan?

Inaakusahan ngayon ang pari na si Rev. Father Daniel Baul ng panggagahasa sa isang menor de edad habang nasa bahay ampunan. Si Father Baul daw ay nakatalga sa naturang bahay ampunan. At hindi lang iyon, sinimuraan pa daw ng suspek ang 17-anyos na dalagita para walang maka-alam sa nangyari.

Hindi naman nag-atubili ang mga tauhan ng Camp Crame’s Women and Children Protection Center at ilang kapulisan at pinuntahan agad ang ilang lugar sa Pampanga para hanapin si Baul.

Nag-isyu na rin ng warrant of arrest ang Regional Trial Court branch 61 sa Angeles CIty laban sa pari.

“Noong unang araw na nandoon siya ay pinagsamantalahan siya ni Father Baul. Sinikmuraan siya ni Father kung kaya walang nakaalam sa nangyari sa kanya,” sabi ni P/LT. Col. Gemma Vinluan.

Ngayon taon ay naulit muli ang ginawa panggagahasa umano ni Father Baul sa menor de edad at ito ay nangyari sa dalawang hiwalay na okasyon.

Ayon sa ulat, hindi lang isa ang nabiktima ni Father Baul, dahil mayroon pang ikalawang menor de edad na biktimang lumutang para isumbong ang pang-aabuso ng pari.

Sa pagtungo ng kapulisan sa Archdiocese of San Fernando ay wala silang nakuhang anumang impomasyon sa kinaruruuan ni Father Baul.

Ayon sa kapulisan, pwedeng maharap sa kasong obstruction of justice ang sinumang tumutulong sa pagtatago ni Father Baul.

“Ako ay nananawagan kay Father Baul na mas mabuting humarap siya sa korte upang ipaliwanag ang kanyang sarili. Siya ay inaakusahan pa lang at pagkakataon niya ito para magpaliwanag,” sabi ni Vinluan.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén