Local News

Meralco, May Utang na 15 Billion sa Gobyerno!

Ayon sa ulat ng Abante.com.ph, nasiwalat umano sa ginawang congressional hearing ang bilyong-bilyong utang ng ilang power firms sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM).

Sa pagdinig sa kongreso na pinamunuan ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, nalaman na papalo sa humigit-kumulang sa P95 bilyon ang utang ng malalaking power firm.

Isa sa malaking poweer firum ay ang Manila Electric Company (Meralco) ni Manny V. Pangilinan ay may utang na P14.9 billion sa PSALM.

Sabi ni Congressman Defensor, noong 2001 pa raw ang utang ng Meralco at lumubo na lang sa paglipas ng mga taon.

Ilan pa sa mga power companies na may utang sa PSALM ay ang FDC Misamamis Corporation, FDC Utilities, Inc, Northern Renewables Generation Corporation, Good Friends Hydro Resources Corporation at ang South Premier Power Corporation (SPPC). At kung pagsasamahin ang utang ng malalaking power firms, aabot daw ito sa P95 billion.

Lumalabas na bumili ng asset ng National Power Corporation (Napocor) ang mga pribadong power companies ngunit nang maniningil na ang PSALM, tumakbo ang mga ito sa Korte Suprema dahilan upang sila masingil.

Ayon kay Congressman Defensor, tiyak na magagalit ng husto si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung malalaman niya ang mga nasabing utang.

“Most of them have not paid yet. They will be called for the next hearing. The government could earn a lot from these from the collection… These overdue accounts should be paid by the power firms. In the end, the public would carry the burden of paying these, not the government… I’m asking if the President knows this because he will definitely get angry once he learns about this. If he gets mad at the P11 billion arrears of the two water concessionaires, how much more to this? I’m almost sure he’ll go ballistic over this,” sabi ni Defensor.

Magugunita na noong unang bahagi ng Disyembre 2019 ay nagalit si Pangulong Duterte sa mga water concessionaires na Maynilad at Manila Waters dahil sa tagilid na kontrata na pinasok ng mga ito sa nagdaang administrasyon. Ayon sa Pangulo, dehado ang taumbayan sa mga basabing kontrata.

Panoorin ang panayam kay Congressman Defensor ng SMNI.

Source: Abante | SMNI | Archive | Manila Standard

Leave a Reply

Theme by Anders Norén