Local News

Metro Manila, Isinailalim na sa ‘Community Quarantine’ ng Gobyerno dahil sa Coronavirus!

Maliban sa isang buwang pagkansela ng mga klase sa Metro Manila, isasailalim din ang naturang lugar sa “community quarantine” para lalong mapa-igting ang paglaban sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) threat.

Pinasusupindi ni Pangulong Duterte ang land, air, and sea travel papasok at palabas ng Metro Manila simula Marso 15 hanggang Abril 14.

Mananatili pa rin naman ang operasyon Light Rail Transit, Metro Rail Transit, at Philippine National Railways pero mahigpit na ipatutupad social distancing.

“It’s just a matter of protecting and defending you from COVID-19. That’s about it. It has nothing to do with the power of the military or the police, nor my power or these guys beside me. It’s just an issue of protecting public interest,” sabi ni Pangulong Duterte.

Nananawagan din si Pangulong Duterte ng pakikipagtulungan ng publiko para malabanan ang lubos na pagkalat ng sakit.

“It’s a serious one. It is true, ‘wag ninyong maliitin (do not belittle it). Do not minimize it. But as I said, do not kill yourself with worry because as I said, the government is doing everything to make it at least controllable,” ani Pangulong Duterte.

Kasabay ng pag-anunsyo ng “community quarantine” ay ang pagpapasuspindi sa mga klase sa Metro Manila mula Marso 12 hanggang Abril 12. Kahit na kanselado ang klase ay kailangan pa rin ng mga estudyante na mag-aral.

“Avoid trouble with the law, avoid trouble with anybody. Just follow. Better just stay home and study… Kung ayaw niyong sundin , you stick with your cellphone, ang ga-graduate niyan yung cellphone niyo, hindi ikaw,” paliwanag ng Pangulo.

Ipinaubaya naman ni Pangulong Duterte sa mga Local Government Units sa labas ng Metro Manila ang pagdedesisyon kung magpapatupad ang mga ito ng suspensyon sa mga klase.

Ang covid-19 ay itinuring ng “pandemic” ng World Health Organization. Nitong Miyerkules ay umabot na sa 118,000 ang kumpirmadong kaso nito sa buong mundo.

Source: Manila Bulletin | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén