Local News

‘Mga Abusado Kayo!’ Drilon, Binatikos ang NTC dahil sa ABS-CBN Shutdown!

Hindi nagustuhan ni Senador Franklin Drilon ang naging desisyon ng National Telecommunication Commission (NTC) sa isyu ng pagkakapaso ng prangkisa ng ABS-CBN.

Para kay Drilon, pang-aabuso daw ang paglalabas ng NTC ng cease and desist order laban sa Kapamilya Network.

“Ito ay maliwanag na pang-aabuso sa kapanyarihan. Hindi po dahil sa may kapangyarihan ang NTC ay puwede nilang gawin ang gusto nilang gawin. Whimsical exercise of power is prohibited under our system,” bolada ni Senador Drilon.

Ang pahayag na ito ng mambabatas ay sinagot naman ni NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios. Buwelta ni Cabarios, wala silang choice dahil may nakabinbin ng kaso sa hukuman na kumekwestiyon sa validity ng prangkisa ng naturang istasyon.

“Mayroong mga opinion left and right sa franchise ng ABS-CBN from legal luminaries. Hindi puwedeng walang gawin ang commission. So we were left with one option: third option. Hindi puwedeng mag-operate any radio station, including television, na walang valid congressional franchise,” resbak ni Cabarios.

Kahapon ay dinepensahan ni Solicitor General Jose Calida ang NTC samga kumekuwestiyon sa naging desisyon nito sa ABS-CBN.

“Why blame NTC when they are only following the law?… Without a valid and subsisting franchise from Congress, the NTC cannot allow any broadcasting entity from operating in the country… The bill renewing ABS-CBN’s franchise has been pending in Congress since 2016… The question we should be asking is, why hasn’t Congress acted on it? Who is at fault here?… The Constitution requires a prior franchise from Congress before a broadcasting entity can operate in this country. Absent a renewal, the franchise expires by operation of law. The franchise ceases to exist and the entity can no longer continue its operations as a public utility,” ani Calida.

Magugunita na nagbanta si SolGen Calida sa mga opisyal ng NTC kung bibigyan ng mga ito ang ABS-CBN ng provisional authority to operate kahit hindi pa parubado ang legislative franchise ng istasyon.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: