Local News

Panoorin: “Mga Aktibista, Binobola ang Mahihirap” Mayor Isko, Rumesbak sa Leftist Group!

Galit na galit na ipinakita ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang bandalismo sa isa pang bahagi ng Maynila. Ang dumi ay pilit niyang binubura gamit ang paint thinner pero hindi ito matangal-tangal.

Sa kanyang pagsasalita, binanatan niya ang mga makakaliwa dahil sa pagtawag na “art” sa bandalismo.

“Tignan niyo kung gaano kahirap (ang burahin ang bandalismo). Ito ba ang gusto niyo sa gobyerno? Ito ba ang gusto niyong pagka-abalahan namin? Ganyan kahirap ang ginawagawa ninyo. Masaya ba kayo o ikinalulugod niyo ba ito? Ito ba ay art?” resbak ni Mayor Isko.

Ayon pa sa alkalde ng Maynila, imbes na gamot ang ipangbili ng pondo ng bayan ay napupunta ang pera sa pambili ng mga gamit para pantanggal ng bandalismo.

“Ngayon kung ipadadala ko limang tao na paswelduhin ng gobyerno, thinnner ng gobyerno, pera ng tao ang ginamit. Ito ang pinagkakagastusan namin. Oh natatanggal ba? Anong gagawin? Pipinturahan. Gastos na naman. Ang pinangbili ko ng pintura ay makabibili ng paracetamol at amoxicillin. So dito ka na lang dadalhin (sa pagbura ng bandalismo). ‘Yung may sakit, papa-inom ko sa kanya ‘yung art niyo? Paggagamot ko sa kanya art niyo? “ buwelta ni Mayor Isko.

Birada pa ng punong lungsod, ginagamit lang daw ng mga aktibista ang mga mahihirap para sa mga politikal nilang hangarin.

“Mga mahihirap namin kababayan, binobola nila kayo o ginagamit lang kayo nila sa political goal nila. Gumising kayo mga kababayan,” dagdag pa ni Mayor Isko.

Naging laman ng balita noong nakaraang linggo ang Panday Sining, art arm ng leftist group na Anakbayan. Magugunita na binaboy nila ang bagong linis na underpass ng Maynila. Matapos makatanggap ulanin ng batikos mula sa publiko ay nagpalusot at tinawag nilang “sining” o “art” ang kanilang ginawang pambabalahura sa underpass. Sa isang panayam, sinabi pa ng representante ng Panday Sining na si Francis Joven na magsasagawa pa raw sila ng “art” sa mga pampublikong lugar.

Source: Mayor Isko

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: