Local News

Mga Aktibista, Sumugod at Nag-rally Laban sa Magandang Hangarin ng Gobyerno sa Manila Bay!

Imbes na suportahan ng ilang kababayan natin ang ginagawang mabuting hakbang ng gobyerno para mapaganda ang Manila Bay ay kinokondena pa nila ito.

Nagtungo ngayon ang ilang aktibista sa may Manila Bay upang magsagawa ng kilos-protesta sa White Sand Project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa dalampasigan ng sikat na tourist spot.

Ayon sa grupong Pamalakaya, rehabilitasyon daw ang dapat tutukan at maglagay ng mangroves sa lugar. May iba naman na may dala ng placard at may nakasulat ng “Ayua at Pagkain! Hindi Buhangin”. Ang ilan naman ay tumutuol daw sa reklamasyon.

Magugunita na ilang beses ng nilinaw ng mga opisyal ng Duterte Government na matagal ng parubado ang pondo sa nasabing proyekto.

“Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit? Kahit na alam nating mas delikado sa kalusugan ang basura? Ngayong pinapaganda lahat nangingialam? Wow a! Just wow! 😡

Mag cocomment ako, kasi MMDA ang isa sa mga ahensya na araw araw naglilinis ng basura ng mga balahurang Pinoy at mapanamantalang establisyemento, 30-45 trucks ng basura lang naman ang nakukuha namin noong wala pang rehabilitation sa Manila Bay.

Saka pwede ba 2019 pa aprubado ang budget para diyan, huwag niyong ipilit na isinabay yan sa panahon ng pandemya.
Goodness!”
banat ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago.

“Siguro kung pera lang ito na puwede nating i-juggle from one place to another, gagawin po ng gobyerno. But hindi po maaari iyan. Bawal po iyon… Hindi ho ‘yan bagong project. We cannot connect this with the pandemic,” paliwanag naman ni DENR Usec. Beny Antiporda.

Source: GMA News | CNN Philippines | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: