Local News

American Senators, Sinupalpal ng Malacañang tungkol sa Pagbabawal sa ilang Filipino Govt Officials na Pumunta sa Amerika!

Kanina ay lumabas sa ilang news outfit ang balita patungkol sa pag-apruba ng United States Senate panel na pagbawalan pumasok sa bansang Amerika ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na nagpakulong kay Senadora Leila De Lima.

Ikinatuwa ni US Senator Dick Durbin ang naging aksyon ng Senate Appropriations Committee ng Estados Unidos.

“Good to see the Senate Appropriations Committee pass my amendment with @SenatorLeahy today to prohibit entry to any Philippine Government Officials involved in the politically motivated imprisonment of Filipina Senator Leila de Lima in 2017. We must #FreeLeilaNow,” sabi ni Senator Durbin.

Hindi naman pinalampas ng Malacañang ang naging hakbang ng ilang Amerikanong senador. Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na si Secretary Salvador Panelo na pamumuwersa at pangingialam sa soberanya ang ginagawa ng US senate panel.

“It seeks to place pressure upon our independent institutions thereby effectively interfering with our nation’s sovereignty. It is an insult to the competence and capacity of our duly constituted authorities as such act makes it appear that this US Senate panel has the monopoly of what is right and just,” sabi ni Panelo.

Banat pa ni Panelo, tahasang pambabastos daw sa Pilipino ang ginagawa ng mga amerikanong mambabatas. Tila minamaliit din daw ng Amerika ang ating bansa pagdating sa pamamalakad.

” It is an outright disrespect to our people’s clamor for law and order. It treats our country as an inferior state unqualified to run its own affairs. All sensible Filipinos, regardless of their political or social association, should feel affronted and disrespected by this insulting and offensive act,” dagdag ni Panelo.

Nanindigan din ang Palasyo na kaya nakulong si De Lima ay dahil sa pagkakasangkot nito sa kalakalan ng droga.

“We, however, repeat: Senator de Lima is no prisoner of conscience. The fact that she belongs to the political opposition is irrelevant to her charges of illegal drug-related transgressions which she allegedly committed while she was Justice Secretary. The quantum of evidence of probable cause was met, as determined by an independent and competent judge, which caused the issuance of a warrant for her arrest. She is being afforded all her rights to due process and has in fact availed of available legal remedies under our procedural rules. The Philippines must enforce its laws equally to all its citizens regardless of political and social status. In this part of the world, more particularly under this Administration, no one is above the law,” paliwnag pa ni Panelo.

Source: Office of the Presidential Spokesperson | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén