Local News

Mga Ampatuan, Hindi Bibigyan ng Special Treatment banat ni Bucor Chief Bantag!

Kanina lang ay hinatulan na ng GUILTY BEYOND REASONABLE DOUBT ni Judge Jocelyn Solis Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 ang ilang miyembro ng maimpluwensiyang angkan ng Ampatuan. Ang hatol ay kaugnay sa ginawang masaker ng mga akusado sa 58 na biktima sa Maguindanao noong 2009.

Matapos ang pagdinig sa korte ay agad na dinala ang mga Ampatuan at iba pang salarin gamit ang isang ambulansiya sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison.

Tiniyak ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerard Bantag na hindi bibigyan ng special treatment ang mga Ampatuan sa kulungan at ihahalo daw ang mga ito sa mga ordinaryong mga preso.

“Makakaasa ang public na kaya nating i-handle (ang mga Ampatuan)… Babantayan natin kung paano papasok ang pera (ng mga Ampatuan)… Alert lang sila (BuCor Personnel). Dapat alerto palagi. Tapos trabaho lang, walang personalan,” sabi ni Bantag.

Sa paghatid sa mga Ampatuan sa Bilibid, pansamantala sinuspindi ng BuCor ang operasyon tulad ng pagtanggap ng bisita ng mga preso at supply ng mga ito. Balik normal naman na bukas ang operasyon sa kulungan.

Source: People’s Television | GMA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: