Local News

Mga Appointees ni Noynoy, Naghain ng Kaso sa ICC kahit Kumalas na ang Pinas!

Habang pinipilit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayusin ang relasyon ng Pilipinas at ng China na nagkalamat noong panahon ni Ex-president Noynoy Aquino, ang mga dating opisyal sa Aquino Administration naman ay naghain ng kaso sa International Criminal Court (ICC) laban kay Chinese President Xi Jinping.

Sinamahan nina dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio MOrales ang ilang mangingisda sa paghahain ng communication sa ICC.

“Though widely publicized, these atrociously inhumane actions of Chinese officials in the South China Sea and within Philippine territory remain unpunished, and it is only the ICC that can exact accountability on behalf of Filipinos and the international community, respecting the rule of law,” sabi nila.

Ayon sa reklamo, nagsasagawa daw ng sistematikong paraan sina Xi at mga opisyal ng China para makontrol ang South China Sea.

“The situation is both unique and relevant because it presents one of the most massive, near permanent and devastating destruction of the environment in humanity’s history,” sabi sa reklamo.

Ang bansang Tsina ay hindi bahagi ng Rome Statute, ang nagtatag ng ICC. Ang Pilipinas naman ay kumalas na dito. Noong Marso 17 ay naging opisyal na ang pagtiwalag ng Pilipinas sanaturang korte.

Source: ABS | PS

Leave a Reply

Theme by Anders Norén