Local News

Mga Ari-arian ng Nagpakulong kay De Lima, Gusto Ipa-Freeze sa US!

Isa sa mga parusa na gustong isulong ng ilang mambabatas sa Estados Unidos laban sa mga Filipino Government Officials na responsable sa pagpakulong kay Senadora Leila De Lima ay ang pag-freeze sa mga ari-arian ng mga ito.

Ayon sa chief of staff ni De Lima na si Atty. Fhillip Sawali, isasalang na daw sa plenary debates ang US Senate resolution No. 142. Ang resolusyon ay para sa pagpapalaya kay De Lima.

“Sabi doon, the whole gamut of Global Magnitsky Act sanctions — not just travel ban, gawin din natin [‘yung] asset-freezing… sa mga property… Not only should government officials, persecutors of Senator De Lima be banned from travelling to the US, but their assets located in the United States should be frozen, should be blocked,” sabi ni Sawali.

Si De Lima ay inaresto noong 2017 dahil sa diumano’y pagkakaugnay nito sa kalakalan ng bawal na droga sa loob ng New Bilibid Prison noong Justice Secretary pa ito .

Nakasaad din sa naturang US resolution ay ang pag-uurong ng mga kaso laban sa Rappler at sa CEO nito na si Maria Ressa.

Hindi pa makapagkomento si Attorney Sawali kung naipadala na kay US Secretary of State Mike Pompeo ang listahan. Si Pompeo ang may final jurisdiction sa US travel ban.

Bumalangkas na rin daw si De Lima ng bago at kumprehensibong listahan ng mga Filipino Government Officials na responsable sa pagpapakulong sa kanya. Magugunita na noong Oktubre ay isinama ni De Lima sina President Rodrigo Duterte, Presidential Spokesperson and Chief Legal Counsel Salvador Panelo, Solicitor General Jose Calida, former Justice Secretary Vitaliano Aguirre, at blogger Mocha Uson sa inisyal na lista.

“I wouldn’t know the timeline of the State Department. But I guess very, very soon… because the State Department has a vast network of intelligence and information source,” banat pa ni Atty. Sawali.

Source: CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén