Local News

Mga Artista, Inuudyukan ng mga Aktibista na Nambaboy sa Underpass na Mag-Bandalismo!

Kahapon ay binatikos ng mga kababayan natin ang pambababoy na ginawa ng leftist group na Panday Sining sa bagong linis na underpass sa Maynila.

Magugunita na noong nakaraang linggo ay ipinalinis ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” ang underpass pero walang pang isang buwan ay dinumihan ito ng militanteng grupo. Ayon sa leftist group, ang ginawa daw nila ay sining o pagpapahayag ng sentimiyento laban sa gobyerno.

Sa kanilang Facebook page, sinabi ng grupo na magsasagawa pa sila ng serye ng “Graffiesta”. At inuuydyukan ang mga artista na sumama at makilahok sa pambababoy ng lansangan.

“Tinatawagan ng Panday Sining ang lahat ng mga artista ng bayan na makilahok sa serye ng mga Graffiesta sa pamamagitan ng pagtransporma sa lansangan bilang pangunahing lunsaran ng mga progresibo at militanteng likhang-sining!,” sabi ng leftist group na Panday Sining.

Kalakip ng kanilang social media post ay ang bandalismong ginawa nila sa iba’t-ibang lugar.

Sa panayam kahapon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, binantaan nito ang mga aktibista ipabubura niya daw ang mga bandalismo gamit ang mga dila ng mga ito. Binanatan din niya ang mga estudyante na nakikibahagi sa pambababoy sa mga government properties na pupuntiryahin niya ang kanilang libreng allowances.

“Huwag kayong pahuhuli sa akin. Sige, human rights… ‘pag nahuli ko kayo, padidila ko sa inyo ‘to. Buburahin niyo ‘to ng dila niyo… The same money that you pay our government, we are going to use, ang gagawin ko sa mga raliyista na ‘to, ‘yung pera na ibibigay ko sa inyo sa edukasyon, yon ang gagamitin ko para ipampintura ko ng dinumihan ninyong pader. O, magutom kayo lahat sa loob eskwelahan. Kung ako nasa national government, ‘yon ang gagawin ko. E kayo nagbababoy e, hindi po makatwiran ‘yan e… We are really trying to clean up and revive, making Manila… vibrant. We don’t deserve this. The people of Manila don’t deserve this,” banat ni Mayor Isko.

Source: Manila Bulletin | It’s Me Charlie

Leave a Reply

Theme by Anders Norén