Local News

Mga Artistang Bumabanat tungkol sa Mass Testing, Butata kay Singer Gladys Guevarra!

Para sa comedienne at singer na si Gladys Guevarra, hindi mass testing ang kailangan para malabanan ang coronavirus disease 2019 (covid-19) outbreak sa ating bansa.

Ito ay kabaligtaran sa inaangal ng ilang personalidad sa mundo ng showbiz at broadcasting.

Magugunita na nagbigay ng pahayag sa isyu ng mass testing sina Angel Locsin, Pokwang at ang broadcaster na si Atom Araullo.

“Hindi ako makapaniwalang hindi tayo nagpre-prepare for mass testing na kailangan-kailangan ngayon,” sabi ni Locsin.

“Totoo po ba walang magaganap na mass testing? As in wala? So kami na po bahala sa buhay namin ganern? Matira matibay na lang talaga? Salat po sa pagmamahal ha… Wooo sana 2022 na! Sarap bumoto uli!” boladas naman ni Pokwang.

Ayon kay Gladys, hindi mass testing ang kasagutan para mapigilan ang paglaganap ng sakit dahil hindi naman magagamot ng mass testing ang mga taong madadapuan ng covid-19. Giit pa ng singer, maski ang mga first-world countries ay hindi nagpapatupad ng mass testing.

“Andaming artistang umaapila ng MASS TESTING. Opinyon ko to ha? Pwede mo ko sagutin kung mali ako. Naisip ko lang naman din. – Ano ba kase ang magagawa rin ng Mass testing? Matanong ko lang. eh kahit mag Mass testing, kung wala pa naiimbentong Vaccine, ano gagawin? Isusupot yung mga infected? I mean, diba? Ite-test mo lahat, para ano? Para lang malaman sino na mga infected? hala! Eh yung mga 1st world country nga di maapula yang lintek na virus na yan. Eh ano ga ang gagawin nila???? Diba? Ikaw palagay mo? 🤔🙄 Baka ba pag nalaman natin kung sino mga infected, pwede na lumabas, tapos ihiwalay yung mga pila at nakalagay . . . Pila ng mga Infected at Pila ng hindi infected. Ganire ba? At pag nagpa MASS TESTING, maglalabas ulit ng malaking halaga ang gobyerno para sa kits? At maghihintay tayo ng matagal sa results? Imbes na yang pondo nakakatulong ngayon sa pagkain sa pangkalahatan, lalo mas mga nangangailangan? Diba? Gets nyo? Ako di ko gets. Kaya ko i-gets, pero parang d ko ma-gets. Gets?” resbak ni Gladys.

Ipinaliwanag naman ng Malacañang kamakailan lang na walang bansa na nakakapagsagawa ng testing sa buong mamamayan nito. Nilinaw din ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Roa DUterte na may ginagawang testing ang gobyerno at ang tawag dito ay expanded targeted testing.

“Mayroon po tayong expanded target testing. Siyempre sa simula ay mahina po iyan dahil bago pa lang ang sakit na ito. Bago ang mga teknolohiya at laboratories para i-testing sa sakit na ito. Yes, kakaunti tayo nung nagsmila pero we are aiming for 30,000,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Source: PEP | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: