Local News

Panoorin: Mga Bahay ng mga Taal Volcano Victims, Ninanakawan na?

Ayon sa GMA News, may ilang ulat na natatanggap kaugnay sa mga bahay na ninanakawan sa bayan ng Agoncillo, Batangas.

Kaya ang mga otoridad ay nagsagawa ng lock-down sa mga lugar na apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal.

“Ang order po sa amin ay lock-down tayo,” sabi ni Laurel Police Team Leader P/exec. Msgt. Edwin Cruzat.

Sa bayan naman ng Talisay at Laurel ay nagsasagawa naman ng check-point ang mga sundalo at pulis laban sa mga nagbabalak ng masama sa mga naiwang tahanan.

“Chine-check namin ang kanilang pagkatao. Pinipituran namin para may record kami at nililista namin ang kanilang pangalan,” paliwanag ni Batangas Police Mobile Force Team Leader P/Sr. Master Sgt. Macario Obejero.

Mayroon naman takdang oras (6am to 10am) para makapasok sa bayan ng Talisay. Ginagawa raw ito upang mapagbigyan ang mga residente na may negosyo sa naturang lugar o di kaya ay matignan ang mga alagang hayop ng mga ito.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén