Local News

‘Mga Bashers, sa mga buwsit sa buhay!’ Vice Ganda, Dinipensahan si Coco at Kim!

Matapos maligo ng sari-saring batikos sina ABS-CBN stars Coco Martin at Kim Chiu dahil sa pagdepesa nila sa pasong prangkisa ng kanilang istasyon, sumaklolo naman para sa kanila ang kapwa Kapamilya network talent na si Vice Ganda.

“Nalungkot ako para sa mga kaibigan ko na nami-misinterpret, para kay Coco, para kay Kim Chiu kasi parang hindi nila deserve na pagsalitaan ng basta, sana iyong mga tao, mas magkaunawaan… Mas masaya ako kapag ganoon, kapag ang mga tao ay hindi galit sa isa’t-isa. Iyon ang gusto ko… Mas masaya ako kapag ganoon, kapag ang mga tao ay hindi galit sa isa’t-isa. Iyon ang gusto ko,” sabi ni Vice.

Pinayuhan din ng komedyante ang mga taong nakakranas ng parehas na sitwasyon.

“Kailangan patatagin ninyo ang sarili ninyo… Hindi natin mako-control ang ibang tao kung paano sila mag-iisip, kung paano nila bubuksan ang bunganga nila, kung paano sila magiisip tungkol sa atin.” He added: “Don’t even try na kontrolin sila dahil masasaktan ka lang… Pero mako-control mo ang sarili mo kung papatol ka ba sa kanila, kung iyong galit nila babalikan mo ba ng galit o papatayin mo sila sa kabutihan? Mako-control mo ba ang sarili mo kung papayagan mo silang mainis ka, kung babasagin mo ba ang sasabihin nila, kung papakinggan mo ba sila,” saad pa ni Vice.

Nag-iwan naman ng mensahe si Vice sa mga bashers.

“Sa mga bashers, sa mga buwisit sa buhay –hindi na natin mako-control iyan. Ang mako-control lang natin iyong kung paano natin sila iiwasan at hindi sila maging bahagi ng magandang buhay nating lahat,” banat ni Vice.

Itong simula ng Mayo ay nagbigay ng direktiba ang National Telecommunication Commission (NTC) sa ABS-CBN upang tumigil sa pag-ere. Magugunita na ilang beses pinagbantaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kapamilya network na haharangin niya ang prangkisa nito.

Source: ABS-CBN | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: