Local News

Mga Sugatang Biktima ng Aksidente, Ninakawan Pa!


Napakahirap maging biktima ng trahedya o aksidente. Maraming buhay ang nawawala, mahahalagang gamit ang nasisira, at mga pangarap na gumuguho, para sa mga nawawalan ng mga mahal sa buhay sa mga ganitong di-inaasahang pagkakataon. Doble pa ang sakit kapag ‘yung mga inaaasahan mong taong tutulong sa’yo ay gagawan ka pa ng masama.

Mabigat ang loob ng ilan sa mga nakaligtas sa naganap na banggaan ng isang truck at pampasehorong bus sa Atimonan, Quezon nitong nkaraang Lunes nang gabi, mula sa ulat ng GMA News. Kuwento kasi ng ilang pasahero, sa halip na tulungan umano sila sa pagkakaaksidente ay pinagnakawan pa umano sila ng mga kawatang nakapasok sa loob ng bus na kanilang sinasakyan.

“Bumalik ulit ako ng bus para kunin ang mga gamit ko. Pag-akyat ko sa bus, meron nang mga hindi pasahero. May mga nakahubad na lalaki. Hinahalungkay ‘yung.. ‘yung iba naghahalungkay ng bag. ‘Yung isa nakakuha ng dalawang pitaka. Pinasok niya sa bulsa niya. Imbes na tumulong eh ninakawan pa kami ng pera, pagkain,” kuwento ng isang survivor na si Izen Maghiran.

Tatlo ang namatay sa nasabing insidente, habang 73 naman ang iniulat na nasugatan. Kabilang sa mga nasawi ang drayber ng truck, ang kanyang assistant, at isang pasaherong nakasakay sa bus ng Elavil AMV Travel and Tours. Papunta sana sa Bicol ang nasabing bus nang makabanggan nito ang 10-wheeler cargo truck na pa-Maynila sa Diversion Road sa Barangay Sta. Catalina.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na sirang preno ng bus ang naging dahilan ng pagkakasalpok nito sa truck.

“Sa pag-iimbestiga namin, may kausap kaming mga pasahero dun ng bus. Mula pa lang sa Manila pumapalya na ‘yun. Noong siya daw ay nag-over take ay nag-lose control. Tapos ay nagkataoon naman mayroong parating na truck. Nagkasalpukan,” saad ni Police Major Michael Encio, hepe ng Atimonan Police.

Samantala, aminado naman ang drayber ng bus na si Maximo Leorigo na nauna nang nagkaroon ng problema ang bus. Ibang drayber umano ang naunang nagmaneho nito, at hindi raw siya ang on-wheel sa Laguna.

“Doon pa lang po sa taas, mababa na ang hangin ng preno ng aking bus,” pahayag ni Leorigo na kasakalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

Source:
GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: