Local News

Mga Cobra Attack Helicopters, Dumating na sa Pilipinas!

Nasa ating bansa na ang 2 cobra attack helicopters na ibinigay ng Jordanian Government sa Pilipinas.

Dumating ang dalawang sasakyan panghimpapawid ng Philippine Air Force (PAF) sa Clark Field sa Pampanga.

Kinumpirma na rin ito ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. Ayon kay Esperson, magagamit na raw ang mga naturang attack helicopters bago matapos ang buwan ng Disyembre.

“The helicopters arrived Tuesday morning and will be reassembled to put rotors and launchers. They are expected to be operational by the end of December,” sabi ni Esperon.

Nakuha ng Pilipinas ang mga helicopters ng libre pero ginastusan ang delivery nito.

Ipinadala kamakailan sa bansang Jordan ang mga Pilipinong piloto upang makapag-ensayo kung paano gamitin ang mga attack helicopters.

Naglaan naman ang PAF ng P45.7 million para sa maintanance at spart parts ng helicopters.

Magugunita na sa isang talumpati noong 2017, sinabi ni Pangulong Duterte na gagamitin ang mga attack helicopters ng militar upang gawing target practice ang mga bandidong New People’s Army (NPA).

“Mayroon akong attack helicopters. Kayo pagpraktisan ko. Patayan pala gusto niyo,” banat ni Presidente Duterte.

Read more: https://newsinfo.inquirer.net/952115/duterte-to-deploy-afp-attack-helicopters-vs-npa-rebels#ixzz66ZC3l1Pr
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi muli ni Pangulong Duterte na kaya siya bumibili ng mga attack helicopters ay upang matapos na ang mga NPA.

Source: Philstar | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén