Local News

Mga Dating ABS-CBN Employees, Nagsumbong na sa DOLE ng DU30 Govt!

“Hindi baleng mabasa kami, ‘wag lang ang camera, audio at ilaw. Ganoon namin pinagmalasakitan ang kumpanya tapos kami hindi nila pinagmalasakitan. ‘Yun po ang masakit,”

Nitong ika-2 ng Marso ay humarap ang ilang dating manggagagawa ng ABS-CBN kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Sylvestre Bello upang isumbong ang naging karanasan nila sa Kapamilya network.

“Since ang plataporma ng ating Presidente ‘yun lang ho ang pinanghahawakan namin na ang batas maging pantay-pantay sa lahat. walang mahirap, walang mayaman. Kasi sa nakaraang administrasyon, naramdaman namin na ang kaso namin ay hindi pinansin. 18 years kaming natengga. Ang ginawa namin ay tiniis namin. Hindi kami nag-ingay, hindi kami nambulabog, hindi kami gumawa ng karahasan para lang mapansin kami. Siguro ito na ang pagkakataon para maihayag namin at mapakinggan kami… Suportado namin ang gusto ni Presdiente (Duterte) para sa ikagaganda ng (estado) ng mga manggagawa,” sabi ni Journalie Payonan.

Isinumbong din ni Payonan kay Secretary Bello kung paano sinisibak ang mga empleyado ng ABS-CBN na nakakaipag-usap sa mga dating empleyadong tulad nila.

Si Payonan ay isa sa mga dating manggagawa ng ABS-CBN na nagsalita sa pamamagitan ng social media noong Pebrero matapos pumutok ang isyu ng paghahain ng quo warranto ni Solicitor General Jose Calida laban sa prangkisa ng ABS-CBN..

“Magpapasko po iyon noong tinanggal kami sa trabaho. So sabi nga ni Gabby Lopez (ABS-CBN boss) sa chat with the Chairman, ‘Pag hindi kayo pumirma dito, asahan niyo na wala na kayong trabaho’. Ang masakit pa ho nito, ang iba kasamahan namin ay pinatawag sa 4 na hotel, pinakain ng masarap, may security guard, para lang sabihin na wala ka ng trabaho. ‘Yung iba halos mabaliw kasi akala nila promotion,” pagsisiwalat ni Payonan noong Pebrero.

Ang video ng paglapit ng mga dating manggagawa ng ABS-CBN sa DOLE ay ibinahagi ng radio host at blogger na si Byron Cristobal. Kapansin-pansin na nasa naturang pagpupulong din ang aktor na si Robin Padilla at ang opisyal ng OWWA na si Mocha Uson.

Source: Banat By | Banat by | Banat by

Leave a Reply

Theme by Anders Norén