Local News

Mga Dating Kakampi ni Trillanes, Tetestigo Laban sa Kanya!

Tetestigo laban kay former senator Antonio Trillanes IV ang mga dati niyang mga kasamahan sa pagkukudeta na sina Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon at Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim. Ipinaalam ito ng mga abogado ng gobyerno sa Makati Regional Trial Court (RTC) na dumidinig sa kasong rebelyon ni Trillanes. Magugunita na nabigyan si Trillanes ng amnestiya noong 2011 pero sa pagpirma ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng proclamation 572 na naglalayon na ipawalang-bisa ang amnestiya Trillanes, nabuhay muli ang kasong rebelyon ng dating senador.

Sina Faeldon at Lim ay kasama ni Trillanes na lumusob sa Manila Peninsula Hotel sa Makati matapos ang kanilang hearing noong Nobyembre 2007. Ipinanawagan nila ang pagbaba ni ex-president Gloria Macapaga-Arroyo sa pwesto.

Tumutol naman si Attorney Reynaldo Robles, abogado ni Trillanes. Ayon kay Robles, hindi kasama ang dalawa sa orihinal na listahan na isinumite sa korte. Nagbabala din si Robles kina Faeldon at Lim na pag-isipang mabuti ang pagsalang bilang testigo. Ang mga sasabihin daw ng mga ito ay maaring magamit din mismo laban sa kanila sa ibang pagkakataon.

“Kung nabuksan ‘yung kaso ni Senator Trillanes ngayon, baka in the future mabuksan ‘yung kaso nila at ‘yung testimoniya nila sa kaso, magamit din sa kanila… Dapat pag-isipan siguro nitong mga akusadong ito at saka nung kanilang mga abogado kung papayag silang maging testigo sa kaso na lumalabas na may political aspect.” sabi ni Robles.

Nilinaw naman ng prosecution na magbibigay lang sila Lim at Faeldon ng karagdagang testimonya sa kaso pero hindi muna idinitalye ng state prosecutor kung anu ang magiging laman ng testimonya ng dalawa.

“We did not ask the court to issue a subpoena because we undertook to bring them here,” sabi ni Assistant State Prosecutor Evee Eunice De Keyser.

Excited ba kayo kung ano ang magiging kalalabasan ng kasong ito?

Source: PTV | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén