Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

“Mga DDS, Gusto na Kayo Lamunin ng Lupa” – Yellow Supporter

Kinabubuwisitan ngayon ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mapangutyang tono ng social media post ng netizen na si Yoly Vilanueva-Ong.

Sa twitter post kasi ni Ong, sinabi nito na humingi na ng kapatawaran ang mga DDS dahil lalamunin na raw ang mga DDS ng lupa. Ang social media post ni Ong ay inilathala niya sa kasagsagan ng lindol sa sa Mindanao.

Sa nasabing Twitter post, binanatan din niya si Pangulong Duterte.

“DDS: Davao Disaster Survivors. Hindi pa ba niyo ma-gets? Gusto na kayo lamunin ng lupa. Magdasal na kayo at humingi ng patawad. Quiboloy can’t stop earthquakes. He can only stop Kappa. Duts should seriously prepare for the afterlife. It’s getting hot, hotter, hottest,” sabi ni Ong.

Si Ong ay isang advertising executive. Sangkot si Ong sa mga personalidad na isiniwalat ni Peter Joemel “Bikoy” Advincula na nasa likod umano ng black propaganda videos sa Pamilya Duterte noong nakaraang eleksyon.

Ayon naman sa ilang netizens, si Ong ay ang nasa likod ng campaign strategy ng Otso Diretso Senatorial slate.

Matapos batikusin ng mga netizens ang kanyang social media post ay binura din ni Ong ito.

“I deleted my Davao disaster tweet even if the intention was clearly to jolt the DDS into an awakening. My Davao friends did not feel alluded to at all. Anyway, to avoid anymore sensitivity…” palusot ni Ong.

Hindi naman pinalampas ng ilang netizen ang patutsada ni Ong. Isa dito ay ang Manila Bulletin writer at pro-administration blogger na si Krizette Laureta Chu.

“YOLY ONG IS THE CHAIRPERSON OF CAMPAIGNS AND GREY, a PR and marketing company which handles the accounts of many multinationals, which should know the quality and caliber of people they’re getting to head their campaigns.

This is the CHAIRPERSON of Campaigns and Grey, and she insults many Filipinos like this. Yoly Ong is tasked and trusted by companies to sell us their products and market it, and isang malaking sampal ang i-patronize ang mga produktong nilalako ng isang taong gustong lamunin kayo ng lupa.

Wag sanang antayin ng mga kumpanya na madamay sila sa kawalang hiyaan ni YOLY Ong. Or else we will make our presence felt with our purchasing power.” resbak ni Chu.

Wag sanang antayin ng mga kumpanya na madamay sila sa kawalang hiyaan ni YOLY Ong. Or else we will make our presence felt with our purchasing power.” resbak ni Chu.

Nagsalita na ang kumpanyang CAMPAIGNS AND GREY at dumistansiya sila sa pinagsasabi ni Ong. Paliwanag nila, matagal na raw nagbitiw sa kanilang kumpanya si Ong.

“Grey is one with the nation, praying for the people of Mindanao that have been affected by the earthquakes.

Recently, Ms. Yoly Villanueva -Ong, in her personal capacity made a statement about the earthquakes in Mindanao. While Ms. Ong is entitled to her opinion, she is not connected with Grey Philippines. Though she founded Campaigns & Grey, Ms. Ong retired from the company 5 years ago and has since sold all her shares. She is neither involved in the business operations, nor is she a stockholder of the firm.

Grey is a non-partisan company. One of our core values in Grey is we believe in Inclusivity and Diversity, and we welcome everyone with differing opinions and of different beliefs.” paliwanag ng Campaigns & Grey PH.

Source: ABS-CBN | Yoly Villanueva-Ong’s Twitter | Krizette Laureta Chu | Drei Notabio | Campaign and Grey PH

Leave a Reply

Theme by Anders Norén