Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

‘Mga DDS na Bumabatikos kay Hidilyn Diaz, Sana Kunin na Kayo ni Lord’ – ABS-CBN Contributor

Kamakailan lang ay humingi ng opinyon si Olympic medalist Hidilyn Diaz sa kanyang followers sa social media patungkol sa aniya’y pangangailangang financial na kinakaharap niya sa kasalukuyan. Ayon sa atleta, hirap na hirap daw siya.

“Is it okay to ask sponsorship sa mga private companies towards Tokyo 2020? Hirap na hirap na ako, I need financial support. Nahihiya kasi ako, pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa ating bansa na maiuwi ang Gold Medal sa Olympics,” sabi ni Diaz.

Magugunita na nabigyan ng gobyerno si Diaz ng milyon-milyong pera dahil sa karangalan na dinala nito sa Pilipinas. Pinagkalooban din ito ng bahay at lupa ng pamahalaan.

Hindi tuloy maiwasan ng ilang netizens at lalo na ang mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtaas ng kilay at batikusin si Diaz.

Naglabas naman ng opinyon ang ABS-CBN contributor na si Harvey Keh laban sa mga tagasuporta ng Presidente na bumabatikos kay Diaz.

“Sa mga DDS who are now trolling and lambasting our national pride Hidilyn Diaz, isa lang masasabi ko, sana kunin na kayo ni Lord,” boladas ni Keh.

Hindi naman pinalampas ni Attorney Topacio ang mga banat ni Keng at niresbakan ito.

“Eh yung mga Yellowlalos na nambabash sa Pambansang Kamao, okay lang? Kita nga tayo Harvey at tingnan natin kung sino sa atin ang kukunin ni Lord.,” buwelta ni Topacio.

Hindi naman pinalampas ni Attorney Ferdinand Topacio ang mga banat ni Keng at niresbakan ito.

Nilinaw naman ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga naging pahayag ni Diaz patungkol sa tulong pinansiyal. Ayon kay PSC Chairman Butch Ramirez, hindi nagkukulang ang pamahalaan sa pagsuporta sa atleta.

“The government has been very supportive… Hidilyn receives support from the PSC and the Philippine Air Force being an enlisted personnel,” ani Ramirez.

Si Diaz din daw ay isa sa mga nakakatanggap ng malaking allowance sa hanay ng mga atleta ng Pilipinas. Pinaglaanan din daw ang gobyerno ng 4.5 milyong pisong pondo ang pag-eensayo ni Diaz sa China ngayong taon.

Source: Harvey Keng | LinkedIn

| ESPN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén