Local News

Mga Dumalo ng Christmas Party, Dinamay ng NPA sa Pananambang!

Dahil sa pananambang ng New People’s Army (NPA), ilang sibilyan ang sugatan. Base sa ulat ng pahayagang Remate, dumalo lang daw ang mga nasabing indibiduwal sa isang Christmas Party pero napadaan ang mga ito sa kalsada kung saan ginawa ng NPA ang pananambang.

Nangyari ang pananambang sa Brgy. Libuton, Borongan City sa Eastern Samar. mga alas-3 ng hapon.

Sinisiyasat at bineperipika na ng otoridad ang mga detalye at kalagayan ng mga nadamay.

Napaulat na may isang pulis na binawian ng buhay habang nagtamo ng sugat ang dalawang kasamahan nito.

Matapos ang pananambang ay may malakas na pagsabog na narinig sa lugar. Nahulog naman ang police car sa isang bangin.

Ang mga nabiktima ng NPA ay dinala naman sa Eastern Samar Provincial Hospital at binibigyan na ng paunang lunas.

Ang ginawang kabalbalan ng NPA ay mariing kinundina na gobyerno sa pamamagitan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

“We vehemently condemn the NPA attack in Barangay Libuton, which left two d**d and wounded several individuals, including three children and policemen… The loss of life and the violence experienced by the victims are reprehensible. We can only imagine the grief of their loved ones who would have spent the Christmas season with them in good health, had it not been for the senseless act of these terrorists. Our thoughts go out to all of you in this difficult time.,” sabi ni PCOO Chief Andanar.

Source: Remate | PNA

Leave a Reply