Local News

Mga Durugista, Ipapa-firing Squad at Ipalabas sa TV – Senator Bato

“Dapat gawing public [execution], para matakot ang mamamayan, para ‘di pamarisan. Firing squad sa plaza, live [telecast], covered by the media,”

Ganito ang naging pahayag ng bagong senador na si Ronald “Bato” Dela Rosa sa news conference sa Camp Crame.

Ayon kay Dela Rosa, magsisilbing panakot ito sa mga nagtutulak ng mga ipinagbabawal na gamot.

“Para makita ng taumbayan na hindi tayo dapat gumawa niyo. Magiging deterrent ‘yan,” ani Dela Rosa.

Binalewala din ni Dela Rosa ang magiging reaksyon ng mga human rights group o ng Commission on Human Rights (CHR).

“Bahala sila. Kahit naman anong gawin, nagre-react sila eh,” dagdag pa ni Dela Rosa.

Ang pagpasa ng batas para pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga nagtutulak ng bawal na gamot ay isa sa mga ipinangako ni Bato noong nangangampanya ito para sa pagka-senador

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén