Local News

Mga Duterte Supporters, Kakasuhan ng Cyberlibel ni Trillanes sa 2022?

Matapos ang mala-alamat na hatol ng hukuman kay Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa kaugnay sa cyber-libel, hindi nagpahuli si former rebel Antonio Trillanes. Sa kanyang social media account ay nananawagan siya sa mga netizens na tulungan siya na i-save o i-screenshots ang mga pahayag ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa mga oposisyon.

“Patulong po sa pag save ng mga screenshots ng mga libelous statements ng mga makaduterte laban sa mga oposisyon o kritiko ng duterte administration. Magfa-file po tayo ng cyberlibel sa mga ito sa 2022,” boladas ni Trillanes.

Magugunita na kinasuhan na dati ni Trillanes ang radio host at Manila Bulletin columnist RJ Nieto aka Thinking Pinoy ng libel. Si Nieto ay isa sa mga bloggers na masugid na sumusuporta sa Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Nagsampa rin si Trillanes ng asuntong libel laban kay Deputy Executive Director of the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Mocha Uson.

Kung si Trillanes ay may gawi na magsampa ng kaso laban sa mga kritiko niya, si Pangulong Duterte ay hindi nagsasampa ng libel sa mga bumabatikos sa kanya, ayon ito mismo kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Si Trillanes ay isa sa mga maingay na kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Magugunita na ilang beses itong nanghula tungkol sa paglubog ng popularidad ni Pangulong Duterte pero paulit-ulit din itong nabigo hanggang sa nagtapos ang termino niya bilang senador noong 2019.

Gumawa din ng hakbang ang kasamahan niya sa Magdalo group na si former congressman Gary Alejano na patalsikin si Pangulong Duterte sa pamamagitan ng impeachment pero hindi din nagtagumpay.

Napa-ulat noon na kinausap umano ni Trillanes ang noo’y Davao City Mayor Duterte tungkol sa ideya na maging mag-tandem sa 2016 elections pero tinanggihan daw ito ni Duterte.

Source: Trillanes | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: