Local News

Mga Empleyado ng ABS-CBN, Pinayagan nang Lumipat ng ibang TV Networks!

Base sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP), nagkaroon umano ng emergency meeting via ZOOM ang mga staff ng ilang programa ng Kapamilya network.

Sa nasabing pagpupulong, pinag-usapan ang naging hakbang ng ABS-CBN management para ipahinto ang trabaho ng lahat nitong empleyado.

Nangyari ang naturang meeting isang araw matapos magbigay ng direktiba ang National Telecommunication COmmission (NTC) na pahintuin ang pag-e-ere ng mga programa ng ABS-CBN sa TV plus at sa SkyDirect via Channel 43.

Sinbihan na rin daw ng pamunuan ng Kapilya network ang kanilang mga program staff na maaari nang maghanap ang mga ito ng trabaho sa ibang television network pagkatapos ng Hulyo 30.

Magugunita na nag-tweet si ABS-CBN Current Affairs writer/producer na si Nick Villavecer ukol sa pansamantalang paghinto ng kanilang production.

“While they were grilling our bosses at the hearing today, we were told at past noon that there will be an emergency meeting… ‘You will hear a lot of bad news today,’ my boss warned…. And bad news it is: ABS-CBN’s Current Affairs division will temporarily STOP production,” sabi ni Villavecer.

Nakumpirma ang rebelasyon ni Villavecer nang naglabas ang programang Umagang kay Ganda (UKG) ng advisory.

“Mga Kapamilya, pansamantala po muna naming ititigil ang ating ‘Umagang Kwentuhan’ dahil sa krisis na aming pinagdadaanan sa ngayon… Mula po sa bumubuo ng Umagang kay Ganda, maraming maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta!” saad ng mga staff ng UKG.

Source: PEP

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: