Local News

Ilang Fishermen sa Scarborough, Binutata ang ulat ng ilang Media!


Nitong mga nakaraang linggo, ilang media ang naglabas ng ulat tungkol sa panggigipit umano ng Tsina sa mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough shoal. Kaya nagpunta ang news crew ng PTV sa Zambales para makapanayam mismo ang mga mangingisda sa lugar. Sa kanilang ulat, tila pinasisinungalingan ng mga mangingisda ang ulat ng ilang media. Nangangamba din ang isang mangingisda na baka dahil sa ulat ng mga ito baka maghigpit muli sa pagbabantay ang mga Tsina.

“Ok naman kami doon. Wala kaming problema sa pangingisda. Labas pasok nga kami doon ngayon. Ang na-anuhan ko lang ay mayroon pumutok na balita na hina-harass na naman daw ang mga Pilipinong fishermen doon. Kaya nababahala ako na baka magalit ang mga nagbabantay,”sabi ng mangingisda na si Ramil Guela.

Ayon naman sa isa pang kababayan nating mangingisda, naging maayos daw ang kanilang trabaho sa lugar simula nang maupo sa MalacaƱang si Presidente Rodrigo Duterte.

“Noong naka-upo si Duterte, wala na, nagka-ayos na talaga. Malaya kaming nakakapasok sa Scarborough,”sabi ng mangingisda na si Enocentes Forones.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa mga isiniwalat ng mga mangingisda.

“Mas kapanipaniwala ang sinasabi ng mangingisda dahil sila ang pumapalaot kesa yong nagsasalita na nasa opisina lang,” sabi ni N. PeƱaverde.

“Dito n lang ako manood yung ibang station niloloko lang tayo bini brainwash mga tao para lalong magalit sa presidente,” sabi ni A. Satiada.

“Gawa gawa lang kasi ng mga anti Duterte ang mga kumakalat na balitang yun,” sabi ni M. Bisco.

Source: PTV | Philstar | ABS

Leave a Reply

Theme by Anders Norén