Local News

‘Mga Gag*! Defend UP para Maging Pugad ng NPA?’ Radio Host, Rumesbak!

Niresbakan ng radio host na si Mark Lopez ang mga umaangal sa pagbasura ng Department of National Defense sa kasunduan sa University of the Philippines (UP) na nagpipigil sa mga militar na pumasok sa campus ng paaralan nang walang pahintulot mula sa pamunuan ng unibersidad. Isa sa mga tumutuligsa sa naging hakbang ng Defense Department ay ang mag-amang Senador Kiko Pangilinan at Frankie Pangilinan.

“Tinutulan natin ang panghihimasok ng diktador noon. UP is a citadel of freedom and democracy. No to the unilateral and arbitrary termination of the Enrile-Soto Accord. Pakiusap lang. Please don’t mess with UP.” kuda ni Sen. Kiko.

“red-tagging students just proves how insecure and threatened this administration has become. protect our students. defend our rights. be brave… this sort of unprovoked desperation from the establishment only proves that change IS possible, and likely very close — continue to speak out and fight for what’s right. we stand with you,” boladas ni Kakie.

Para naman kay Lopez, nagiging lungga lang daw ng mga rebeldeng komunista ang nasabing paaralan at ginagastusan pa raw ng pera ng taumbayan.

“Defend UP ba kamo? Para ano, maging pugad ng NPA (New People’s Army) at mga pekeng aktibista na naging terorista? Tapos pondo ng taxpayer? Mga Gago,” resbak ni Lopez.

Umani ng libo-libong reaksyon ang social media post ni Lopez at pumalo din sa lagpas tatlong-daan ang nagbahagi ng kaniyang post.

Magugunita na ipinaliwanag ni Defense Secretary Delfin Lorenzan ang dahilan sa naging hakbang nila.

“The agreement has become obsolete… University of the Philippines has become the breeding ground of intransigent individuals and groups whose extremist beliefs have inveigled students to join their ranks to fight against the government…The Department of National Defense will neither renege nor shirk on its duty to protect the rights of the majority,” paliwanag ni Secretary Lorenzana.

Source: Mark Lopez | Kakie Pangilinan | Kiko Pangilinan

Leave a Reply

Theme by Anders Norén