Local News

‘Mga Hindi pa Nabibigyan ng Ayuda, Ipaalam niyo sa Amin!’ – President Duterte

Sa kanyang public address nitong gabi ng Lunes, nanawagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga Pilipinong kwalipikado sa ayuda ng gobyerno na magreklamo sa kanilang pamahalaang lokal upang maiparating ang kanilang hinaing sa national government.

“So iyon ang gusto kong masabi sa inyo. And iyong hindi pa nakatanggap, let us know by a radio or what. Magreklamo kayo ng mga radio stations ninyo diyan or doon sa mayors ninyo, barangay captain then the mayors. Iyan ang ating — configuration ng gobyerno natin. Governors, mayors, municipal mayors, city mayors, barangay captains. Iyan mag-report kayo diyan and it’s a matter of just using a cellphone — lahat naman ng cellphone you can report to the governor or the governor will just ask Malacañan kung sino pa ba ang — those who were left behind, sino pang hindi nabigyan, kasi pagbigyan namin lahat.” sabi ni Pangulong Duterte.

Inatasan na rin ni Pangulong DUterte ang kapulisan tulungan ang mga babae, bata at matatanda pagdating sa transportasyon.

“Now to the PNP, marami ‘yang makita mo ngayon kasi kukulang nga ang sasakyan eh. But there are people who are forced to travel for a host of reason. One is nagkasakit, gustong pumunta ng ospital. One is wala talagang masakyan, tapos may babae, matanda, bata, o kaya babaeng naglalakad, for all you know she might really be a worker, a frontliner, or whatever, lalo na walang masakyan, the police must stop at pasakyan — pasakayin ninyo itong mga babae na ito — ah mga tao na ito at ihatid ninyo sa lugar nila… Tutal kung hindi, kung malayo pa, ikarga ninyo — bring her to the boundary of the next barangay where she lives at tumawag kayo ng pulis doon ipasalubong na lang and for that police there to complete the journey of the whatever. Lahat ‘yan mga matanda, lalo ng may mga sanggol dala, mga babae sa gabi naglalakad tapos madilim ganun, they must be provided with transportation and that is the transportation of government. Maski — karamihan diyan pulis. Huwag kayong mag-atubili kasi ang gasolina mura.” ani Pangulong Duterte.

Source: PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: