Local News

Mga Japanese, “Nabighani” sa Leadership ni DU30, ayon sa Philippine Envoy

“Kamangha-mangha”.

Ganito umano kung ilarawan ng mga Hapon ang Asministrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, mula sa ulat ng The Philippine News Agency.

Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, hindi lamang umano si Japan Prime Minister Shinzo Abe, na siyang nag-imbita kay Pangulong Duterte sa kanilang bansa upang daluhan ang 25th Nikkei Conference on the Future of Asia sa Tokyo, ang nagsasabing interesante ang Pangulo, kundi maging ang mga mamamayan din ng bansang Japan mismo.

Sinabi ni Laurel na nasa 200 katao umano, kabilang na ang mga opisyal ng Gabinete, local government officials at kanilang mga staff ang makakasama ni Pangulong Duterte sa kaniyang biyahe patungong Japan. Ito na ang ikatlong biyahe ng Pangulo sa Japan simula nang siya ay umupo bilang Presidente ng Pilipinas noong 2016.

Ganunpaman, binigyang-diin ni Laurel na hindi umano ito “junket” dahil lahat ay sadyang kasama umano sa imbitasyon ng Nikkei.

Nakatakdang dumalo si Pangulong Duterte sa ikalawang araw ng nasabing conference sa darating na Mayo 31, at makikipagkita rin ito sa Filipino Community roon.

Ang Nikkei Conference on the Future of Asia ay taunang pagpupulong ng mga pinuno ng Gobyerno at business leaders, kung saan ibinabahagi ng mga ito ang kanilang mga pananaw at pagsusuri sa sa iba’t ibang prospect at ideya ng Asya patungo sa tamang direksiyon nito.

Paliwanag ni Laurel, hinahanggaan ng mga Hapon ang kalidad ng kakayahan ni Pangulong Duterte sa pamumuno ng bansa.

“It’s the Japanese that are in themselves fascinated by this government. The Japanese are always fascinated with leadership that is recognized, affirmed by their own people at the same time a tremendous political will insofar as his programs are concerned,” saad ni Laurel.

Dagdag pa ni Laurel, isa rin umano sa mga posibleng kinamamanghaan ng mga Hapon kay Pangulong Duterte ang magagandang pamamalakad at resultang nagawa nito para sa ekonomiya ng bansa. Pinabulaanan din ni Laurel ang karaniwan nang naririnig na “kontrobersiyal” umano ang Pangulo, bagkus interesante raw ang tamang termino para rito.

“He is not controversial but interesting. Ibang klase for the Japanese,” wika ni Laurel.

Source:
The Philippine News Agency | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén