Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Mga Jeep na Nag-iiligal Terminal sa Gitna ng Kalye, Binantaan ni Mayor Isko!

Tila napuno na si Manila Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso sa matitigas na ulong jeepney drivers na biyaheng Tayuman-Pritil. Sa kanyang social media post, pinagbantaan na ng Punong Lngsod ang mga walang modong tsuper ng jeepney na mawawalan ang mga ito ng hanap-buhay kung hindi nila ititigil ang ginagawang nilang iligal na pagpaparada ng sasakyan sa gitna ng kalsada para gawing terminal ng jeep.

“Ayaw niyo talagang umalis diyan sa Espiritu Santos. Sa gitna ng Avenida at Tayuman. Ayaw niyo makinig. Sa susunod tatanggalin ko na kayo sa Maynila. So, its ither magulang kayo nang magulang, mang-api kayo ng mang-api, mang-abuso kayo ng mang-abuso, or itigil niyo na lang, dahil kung hindi, hindi lang pila ang mawawala sa inyo, ‘yung hanap-buhay niyo aalisin ko,” sabi ni Mayor Isko.

Nasermonan din ni Mayor Isko ang mga jeepney drivers sa Tayuman dahil sa pamemerwisyong ginagawa ng mga ito sa mga kababayan natin sa naturang lugar. Ayon sa Alkalde, nakarating sa kanya ang ulat dahil na rin sa sumbong ng mga netizens.

“Kung nanonood kayo, mag-meeting na kayo dahil kayo na ang isusunod namin. Nag-file na kami ng reklamo sa LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board) ay hinearing na para suspendihin ang kanilang prangkisa. Kaya kayo, Tayuman-Pritil ha, magtino na kayo. Ang tatanda niyo na. Ano ba naman kayo? Ako itong 44-anyos na parang anak niyo lang, nagsasabi pa sa inyo. Ang tatanda niyo na. Ang hirap niyo naman pagsabihan, hindi kayo madaan sa diplomasya. Talaga atang sagad hanggang buto ang katigasan ng ulo ninyo… Galit kayo sa masasamang ugali ng mga politiko sa gobyerno pero sarili niyo hindi niyo makita sa salamin,” dagdag pa ni Mayor Isko.

Ang problema na ito sa Tayuman, ay nai-ulat na rin dati noong Nobyembre 2016 sa programang ng broadcaster na si Ben Tulfo.

Source: Mayor Isko via Pinoy Trend | Bitag

Leave a Reply

Theme by Anders Norén