Local News

Mga Ka-Grupo ni DU30, Reresbakan si Pacquiao!

Aalisin na si Senator Manny Pacquiao bilang presidente ng PDP-Laban sa nakatakdangnational assembly ng partido sa Hulyo 16-17, 2021.

Ganito ang naging tugon ni Energy Secretary Alfonso Cusi na vice chairman ng PDP-Laban, bilang resbak sa pagsibak sa kanya ng senador dahil umano sa “pagtataksil” sa partido. Kasama ni Cusi na tinanggal ang dalawa pang matataas na opisyal. Isa sa rason kung bakit sinibak sina Cusi at dalawang iba pa ay bunsod ng hakbang nilang isulong ang isang Duterte-Duterte tandem (Sara at ang Pangulo) o kaya naman ay Sara-Go partnership (Sara-Bong Go).

Magugunita na sinabi ni Pacquiao na mali ang ginagawang ito ng paksyon nila Cusi dahil hindi nila kapartido ang Hugpong ng Pagbabago na isang regional party.

Si Pacquiao ay naging laman ng mga balita nitong nagdaang mga araw dahil sa mga banat nito sa Duterte Administration. Akusasyon ni Pacquiao, mas tumindio umano ang korapsyon sa kasalukuyang pamahalaan kumpara sa mga nakaraan.

Dahil sa bintang ni Pacquiao, hindi napigilan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumuwelta sa boksingerong-senador.

“You know, when you are a champion in boxing, it doesn’t mean to say that you are a champion in politics,” sabi ni Pangulong Duterte.

Source: Balita | SMNI | MDM

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: