Local News

Mga Kasabwat na Pulis ng ‘Drug Queen’, ‘Kakatayin’ ng PNP Official!

Nagbanta ang hepe ng Manila Police District na si Brig. Gen. Vicente Danao Jr na “kakatayin” niya raw ang mga aktibong police sa Maynila na mapapatunayang konektado kay Guia GOmez Castro, ang ex-chairwoman na tinaguriang Drug Queen.

“I’ve been telling them (Manila Police District) na kapag mayroon akong ma-prove diyan, validated or positively identified…in any illegal activity, lalong-lalo’t na sa droga, ako mismo ang kakatay sa kanila. Alam nila ‘yan,” sabi ni Danao.

Kumukuha pa raw si Danao ng iba pang detalye tungkol sa maaring kaugnayan ng ilang pulis kay Castro.

“I will be very glad if I will be given a list. Baka mayroon pa pong natitira na paisa-isa diyan. Pero so far, ‘yung mga iba nawala na e, umalis na po e,” saad pa ni Danao.

Si Danao ay dating mataas na opisyal ng PNP sa Davao City.

Sabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), si Castro ay ma-impluwensiya at talagang malaki ang kinikita sa droga. Hindi umano bababa sa P1 Bilyon ang kinakamal ni Castro mula sa pagre-recycle ng mga ipinagbabawal na gamot na naangkat niya mula sa ilang tiwaling pulis (ninja cops) galing sa mga operasyon ng mga ito kontra-droga. Isiniwalat pa ng PDEA na nagpamudmod daw ito ng Sports Utility Vehicles o SUV sa ilang kapulisan.

“She’s giving out brand new vehicles in every party. No raffle, she’s really giving them (Toyota) Fortuners. I learned that she gave a police lieutenant who is celebrating a birthday a brand new Fortuner. Even those ninja cops involved, they have Fortuners”, ani PDEA Chief Aquino.

“May kapatid itong pulis. Nasa politika siya, so she is so powerful ang has connections with local government officials and Philippine National Police (PNP)… Mayroon pa siyang ibang relatives na involves sa drugs. Whoe are politicians also,” ayon kay Aquino sa hiwalay na panayam.

Source: ABS-CBN | Philstar Global | GMA | Sunstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén