Lotto Result

Mga Kidnappers na Naka-Uniporme ng PNP, DEDO nang Makaharap ang mga Totoong Pulis!

Tumba ang inabot ng 2 kidnappers na nagpanggap na pulis sa Antipolo City nito lamang Hulyo 19 nang makasagupa nila ang mga totoong alagad ng batas.

Ayon sa ulat, binangga umano ng mga suspek ang sasakyan ng mag-asawang biktima at matapos nito ay pilit na isinakay ang mga biktima sa get-away vehicle ng mga kidnappers.

“Pinipilit nilang alamin kung saan sila nakatira. Then ginamit ang cellphone ng biktima at tinawagan ang mga relatives para humihingi ng pera ,” Antipolo City Chief of Police PLTCOL Alvin Ruby Consolacion.

Humingi ng tulong ang Antipolo Police sa Philippine National Police (PNP) Anti-Kidnappring group at Highway Patrol Group para magkasa ng rescue operation.

Sa isinagawang operasyon, unang nagpaputok ang mga kidnappers. Kaya gumanti ang mga otoridad. Dito na napatumba ang dalawa sa mga suspek at ang dalawa pa ay nakatakas. Nailigtas naman ang mga biktima pero tumanggi muna na magbigay ng panayam.

“Akala nga namin mga pulis pero hindi naman pala… Hindi po sila tagarito,” sabi ni Barangay Inarawan Kagawad JC Lunggay.

Natuklasan na carnap pala ang ginamit na sasakyan ng mga kidnappers. Narekober naman sa loob ng sasakyan 4 na armas at mga uniporme ng mga kapulisan .

Inaalam na ng kapulisan ang mga pangalan ng mga nasawing suspek at mga nakatakas sa kawatan.

Magugunita na noong Nobyembre 2016 ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na lumipat na sa kidnappings ang ilang durugista dahil sa pagbaba ng supply ng droga sa bansa.

“Kayong lahat na suspek, oh alam namin na andyan kayo sa mga kanto-kanto, umalis kayo. Pumunta kayo sa bahay ninyo, isara niyo ang pinto ninyo. Umupo ka sa kama o lumuhod ka at kausapin mo ang Diyos kasi ang mga bata-bata ng Diyos andiyan sa labas, madidisgrasya ka talaga… There is very low supply of drugs now but nagshift naman na sa kidnapping ang mga g*go. So bagong laro naman ito,” sabi ni Presidente Duterte noong 2016.

Source: ABS-CBN | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén