Local News

Mga “Korean”, Dinuraan at Binaboy ang Bandila ng Pilipinas!

Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawa ng ilang banyaga sa watawat ng Pilipinas. Sa mga video na kumakalat ngayon sa social media, mapapanood na dinuduraan at pinupunit ng mga nagpapakilalang Korean ang bandila ng ating bansa.

Magugunita na nagkaroon ng pagtatalo ang mga Pilipino at Korean netizens matapos ang kontrobersiyal na video ng Fil-Am na si Bella Poarch kung saan mayroon tattoo ng Rising Sun Flag ng Japan sa kanyang braso.

Ayon sa mga Korean netizens, nasaktan daw sila sa nasabing tattoo dahil ipinapaalala nito ang madilim na kasaaysayan ng kanilang bansa noong sinakop sila ng mga Hapon. Humingi naman ng kapatawaran si Poarch sa kanyang nagawa.

Panoorin ang reaksyon ng isang kababayan natin sa ginawa ng ilang banyaga sa ating watawat.

Narito naman ang reaksyon ng isang Koreano sa ginawa ng kanyang kababayan.

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: