Local News

Mga Leftist Congressmen, Papaimbestigahan ang Manila Bay White Sand Project ng DU30 Govt!

Umariba na ang mga makakaliwang mambabatas (Makabayan Bloc) para magsagawa ng imbestigasyon sa Manila Bay White Sand project ng gobyerno.

Magugunita na umagaw ng atensyon ang rehabilitation effort sa Manila Bay dahil sa hakbang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na lagyan ng white sand ang dalampasigan nito.

Ayon sa News5, naghain na daw ang tropa nila Rep. Eufemia Cullamat, Rep. Carlos Zarate, Rep. Ferdinand Gaite, Rep. Arlene Brosas, Rep. France Castro at Rep. Sarah Elago ng resolusyon sa kongreso para imbestigahan ang “sustainability” ng kontrobersiyal na proyekto.

Ayon sa mga opisyal ng Duterte Administration, ang pondopara sa nasabing proyekto ay inaprubahan pa noong 2019.

“This plan to put white sand in Manila Bay, it was part of the budget for 2020. This means it was approved in 2019. We could not foresee that there would be a COVID-19 [pandemic]. So alam niyo naman ang rule sa budget, kapag iyan po ay nasa line item, iyan lang po ang pwedeng paggamitan ng pondo,” paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit? Kahit na alam nating mas delikado sa kalusugan ang basura? Ngayong pinapaganda lahat nangingialam? Wow a! Just wow! 😡

Mag cocomment ako, kasi MMDA ang isa sa mga ahensya na araw araw naglilinis ng basura ng mga balahurang Pinoy at mapanamantalang establisyemento, 30-45 trucks ng basura lang naman ang nakukuha namin noong wala pang rehabilitation sa Manila Bay.

Saka pwede ba 2019 pa aprubado ang budget para diyan, huwag niyong ipilit na isinabay yan sa panahon ng pandemya.
Goodness!”
buwelta ni MMDA Spokesperson Celina Pialago.

“Siguro kung pera lang ito na puwede nating i-juggle from one place to another, gagawin po ng gobyerno. But hindi po maaari iyan. Bawal po iyon… Hindi ho ‘yan bagong project. We cannot connect this with the pandemic,” paliawang naman ni Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Benny Antiporda.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: