Local News

Mga Magulang ng Kabataang Na-Recuit ng Komunistang Grupo, Emosyonal na Nagsumbong sa Kapulisan!

Emosyonal na nagsumbong sa sa Manila Police District (MPD) ang mga magulang ng mga kabataang pinaniniwalaang na-recuit ng mga komunistang grupo sa mga unibersidad.

Nagkaroon din ng lakas ng loob ang ilang magulang na parehas ang sinapit na lumantad para ibahagi ang kanilang istorya.

“Doon po sa mga magulang na (nagpapaaral sa mga schools). Pinaalalahanan namin kayo na bantayan niyo at manmanan kung ano na ang ginagawa nila,” babala ni Elvie Caalaman, magulang

Hindi naman matanggap ni Relissa Santos ang nangyari sa kanyang anak matapos niya pag-aralin sa isang pribadong unibersidad. Hindi niya akalain na pati pala sa mga unibersidad na may bayag ay mayroon na rin daw na mga komunistang nagre-recruit ng estudyante..

“‘Yung anak ko hindi pa iyan sanay sa labas. First time niya pumasok sa university. Kaya ko nga siya pinasok sa university na may bayad. Kasi gustong safe ang anak ko. Pero doon pala sa school parang sinaksak ako ng patalikod kasi doon pala sila nagre-recruit. Anong kasiguraduhan ng mga magulang na ang mga anak nila ay safe pa.” pahayag ni Relissa Lucena Santos.

Si Relissa ay ang ina na nagpost kamakailan sa kanyang Facebook account patungkol sa anak nito na si Alicia Jasper Lucena na naglayas matapos ma-recruit ng Ankbayan sa eskwelahan na pinapasukan.

“Ako po si Relissa Lucena, 37 years old, Ako po ang Ina ni Alicia Jasper Lucena, 17 years old sa kasalukuyan, sya po ay magiging ganap na 18 yrs old ngayon, July 24, 2019. Sumali ang aking anak sa isang club sa kanilang eskwelahan noong pasukan ito ay ang Anakbayan FEU Morayta Chapter. Sya po ay nag-iba ang kilos pagtungtong ng buwan ng Oktobre hanggang sa kasalukuyan, lumayas sya noong Feb 3 at bumalik noong Feb 6, hindi po sya sa aming mga relatives tumuloy.

Ang aking anak ay hindi ko na pinapasok dahil natatakot akong mawawala sya ng tuluyan sa aming pamilya. Napakasakit na ipinagkatiwala ko ang aking anak sa kanyang eskwelahan dahil naniniwala ako na ito ay magiging katuwang namin mag asawa para makamit at matupad niya ang pangarap nya sa buhay. Bago siya pumasok sa FEU bilang Grade 11, ang kanyang paulit-ulit na kinikwento at sinasabi sa akin na Mami gusto kong mag PMA sa Baguio pero hindi kami pumayag, nagbago ang kanyang isip sinabi niya na mag Medical Psychology, hanggang sa maging Criminal Psychology gusto nyang maging Pulis, gusto nyang maglingkod sa bayan, hindi ko sya pinipigilan sa kanyang kagustuhan.

Pero nagbago ang lahat. After nyang umuwi ng Feb 6, kinausap nya kami at sinabing ayaw na nyang mag-aral at iba ang kanyang kamulatan at ituring na wala na akong anak. Sa paanong paraan namulat ang aking anak para kalimutan ang kanyang edukasyon at kaming kanyang pamilya. 16 years old lang sya ng pumasok sa Anakbayan na samahan noong unang linggo ng pasukan. Hindi ko ito namalayan dahil napaka masigasig nyang mag aral nun first sem nagiba nalamang ang kanyang kinikilos pagpasok ng Oct to November.

Noong March 10, 2019 muli syang lumayas at doon patuloy ko lang sya muna pinabayaan habang kinikilala ko ang kanyang mga recruiter at kung saan patungo ang kanyang pinaglalaban natakot ako sa kanyang mga sulat at libro na nagtuturo ng armadong pakikibaka kung kaya noong May 22, kinausap ko sya at kanyang mga lider na pauwiin sya at sinabi ko na ididimanda ko sila kung hindi nila papauwiin ang aking anak.

May 25 umuwi sya at di ko na sya muling pinaalis, hanggang kaninang umaga July 10, 2019 sakto 4 am, nakakuha sya ng chance para makatakas at dun umalis. Ako po ay humihingi ng tulong na matulungan ako na mahanap ang aking anak, alam ko na kagustuhan nya ang umalis. Pero bakit kami tatalikuran ng aking anak, sa napaka ikling panahon, Hindi ako perpekto pero hindi po ako masamang ina gusto kong humingi ng tulong na kung sino man ang makakita sa aking anak na si Alicia Jasper Lucena ay ipag bigay alam sa mga otoridad o sa akin sa lalong madaling panahon.

Naniniwala ako na ang teen stage nila ay nasa critical stage na sinamantala ng skwelahan at ng grupong Anakbayan para gamitin at ipamukha sa aking anak na sila lamang ang makakapagpabago ng lipunan. Napaka fragile pa ng kanilang isip para punuin ng galit, alam ko naman po yon kakulangan namin pero yong makaranas kami ng ganito napakasakit na yong anak kong inalagaan at iniingatan ay may naka abang na kapahamakan.. Masasakit ang binibitawan nyang salita sa aamin pero naniniwala ako na sa kaibuturan ng kanyang puso alam ko na mahal nya kami.. Hindi ko lubos maunawaan ang kanyang pakikibaka sa buhay pero iisa lang ang aking naiintindihan kung saan patungo ang kanilang pinaglalaban.

Ang pamilya ko ay simpleng namumuhay lamang walang sinasagasaang tao, nagsusumikap lang kami para itaguyod ang aming 3 anak.. Pinag aaral sila sa isang pribadong skwelahan dahil natatakot kaming mabully o mabarkada sa maling kaibigan Pinag aaral kahit ipangutang para lang matupad ang kanilang pangarap pero bakit wala kaming proteksyong mga magulang na yun iniingatan naming mga anak ay natututo ng tama at hindi nagiging rebelde sa bayan.

Ako po ay desperada na at humihingi ng tulong sa kung sino man ang makaktulong sa akin para maibalik ang dati kong anak.😭😢😭
Hindi ko kayang pabayaan ang aking anak na nanggaling sa aking sinapupunan ,inalagaan, pinalaki .. Wala akong magawa para kuhanin sya dahil ibang tao na ang aking kaharap. Hindi ganito ang aking anak nun nakaraang taon, Ina po ako wala akong ibang hangarin sa aking mga anak kundi ang protektahan at mapabuti sila 😭😢.”
salaysay ni Relissa.

Paki-bahagi po ang istorya na ito para makaabot sa nakararami.

Source: People’s Television | Relissa Lucena Archived

Leave a Reply

Theme by Anders Norén