Local News

21 Menor De Edad, Na-Rescue! 2-Taon Hiniwalay sa mga Magulang?

Ibinahagi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang ilang larawan ng pagsagip sa mga kabataan. Ang mga menor ded edad ay matagal na panahon na nahiwalay sa kanilang mga magulang. DInala din daw ang mga ito sa eskwelahan na nagsisilbing training camp ng mga New People’s Army (NPA).

“Dalawampu’t isang (21) menor de edad na mga katutubo mula sa Talaingod, Davao del Norte ang nailigtas mula sa University of San Carlos Retreat House Talamban Campus sa Cebu City.
Dalawang taon nang nahiwalay ang pitong (7) batang lalaki at labing-apat (14) na batang babae mula sa kanilang pamilya.
Sinasabing nahikayat ang mga ito mula sa Salugpungan school- isang pamantasan na siyang “training camp” ng mga komunistang New People’s Army.”

Narito po ang video kung paano nasagip ang mga kabataan mula sa kuko ng mga rebeldeng komunista.

Source: NTF-ELCAC | Luminous

Leave a Reply

Theme by Anders Norén