Local News

Mga Menor de Edad, Ginawang Parausan ng mga NPA!

Nailigtas ng ating kasundaluhan ang mga menor de edad na gina-giwang sex slaves ng mga bandidong New People’s Army.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may napaulat na pang-aabusong seksuwal na ginagawa ng mga NPA sa mga babae nilang kabaro. Magugunita na noong 2019 ay may mga lumantad na ilang babae sa kilusan upang idetalye ang kahayukan ng mga rebeldeng komunista.

Sa panayam sa dating medic ng NPA na si alyas Wilma, sinabi nito na may nangyayaring pang-aabuso sa loob kilusan at mismong mga NPA commander ang pasimuno.

“I joined the NPA because I am against sexual abuse and female exploitation, however, our NPA commander s-xually abused us and neglected our rights as a woman,” sabi ni Alyas Wilma.

Isa pang medic ng mga rebeldeng komunista ang nagpatunay sa mga pang-aabuso na nangyayari sa loob ng kilusan. Ayon kay Alyas Saisai, inabuso din daw siya ng kanilang kumander kahit na may asawa na siya at kung magsusumbong daw siya siya ay papatayin daw nito ang kanyang mister.

“I was r-ped and threatened that he will k-ll my husband if I will inform the committee… I wanted to k-ll him for repeatedly abusing me s-xually, he should be executed by d-ath,” sabi ni Alyas Saisai.

Isa pa sa naging biktima ng mga NPA ay si Alyas Michelle. Natatakot daw kasi ang ilang babaeng amasona kaya napipilitan makipagtalik sa mga pinuno ng kilusan.

“There are abusive leaders who use women in the movement. The NPA leaders were having sex with their comrades. Even married women—as long as she is young—are forced to having sex with them due to fear of being killed,” pagbubulgar ni alyas “Michelle”.

Source: Radyo Pilipinas | PIA | Philippine Information Agency | Tribune | CNN Philippines | Philippine News Agency | DWIZ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: