Local News

Mga Nag-rally na Walang Permit, Dinepensahan ni MissU Catriona Gray!

Ngayon Biyernes ay inaresto ng kapulisan ang 20 miyembro ng Metro Manila Pride, isang LGBT group, dahil sa pagpo-protesta sa Maynila.

Kinundina ng grupo ang ginawang pag-aresto sa kanilang mga kabaro. Kuda pa nila, nagsagawa daw sila ng social distancing.

“Maayos, mapayapa at sumusunod sa patakaran ng social distancing ang ginanap na pagkilos; sa kabila nito, 20 na indibidwal ang pilit na inaresto ng kapulisan bandang 10:30 ng umaga… Hindi makatarungan ang pag-arestong ito at idinidiin ng Metro Manila Pride ang pagkundena sa karahasan ng militar at kapulisan, lalo na sa mga marhinalisadong komunidad at mga aktibista,” boladas ng Metro Manila Pride.

Nakisawsaw naman si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa isyu ng mga inarestong rallyista. Para kay Gray, tila sinisikil na raw ang mga karapatan.

“Is this the new normal? Earlier today a peaceful #pride rally held in Manila where mask wearing participants practicing social distancing were met by police in riot gear and arrested. If proper health guidelines were being followed, why the use of force? Why the withholding of rights? Videos circulating online confirm this,” patutsada ni Gray.

“We have the right to raise our voice. Pride, since the beginning has been a protest. Now is the time to speak up,” dagdag pa ni Gray.

Kinampihan naman ng opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang naging hakbang ng mga kapulisan. Ayon pa kay DILG Usec. RJ Echiverri, walang permit ang mga nag-rally.

“Hindi naman tinatanggal iyan (free speech) pero ang sinasabi natin, always look at the public welfare. Tama lang ang ginawa ng mga pulis because number one, they don’t have a permit so why are they staging a rally? Second, there is no proper social distancing. Third, again there is a proper venue to raise this issue and not during COVID time,” banat naman ni DILG Usec. Echiverri.

Source: News5 | News5 | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: