Local News

Mga Nagkalat ng Fake News Tungkol sa Coronavirus, Arestado ng Malaysia at Thailand Authorities!

Hindi pinalampas ng gobyerno ng Malaysia ang apat ng indibiduwal na nagpakalat ng maling impormasyon patungkol sa 2019 novel coronavirus (nCOv).

Ayon sa ulat ng South China Morning Post, inaresto ang isang tutor, 2 pharmacy assistants at isang estudyante dahil nagkalat ang mga ito ng fake news sa social media kaugnay sa nCOv.

Nauna nang nagbabala sa Malaysian Premier Mahathir Mohamad sa mga mamamayan nito patungkol sa pagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa nakamamatay na sakit.

Ganito din ang naging aksyon ng Thailand authorities sa mga mamamayan nila na nagkakalat ng maling balita tungkol sa nCov. Base sa ulat ng Channel News Asia, nauna narinnagbabala ang otoridad ng Thailand na mag-isip ng dalawang beses muna bago magbahagi ng anumang impormasyon sa social media kaugnay sa naturang karamdaman.

Itong mga nagdaang araw ay tinadtad ang internet ng mga maling impormasyon mula sa hindi tunay na talaan ng mga nasasawi hanggang sa mga pekeng lunas sa nCov. May mga impormasyon din kung saan inuudyukan ang mga tao na maging mapangutya laban sa mga Tsino.

Pina-igting ng Thailand authorities ang pagmamatyag laban sa fake news upang maiwasan panic sa kanilang bansa.

Nitong nakaraang araw lamang ay inanunsyo na ng World Health Organization (WHO) na “global health emergency” na coronavirus outbreak.

“The main reason for this declaration is not because of what is happening in China but because of what is happening in other countries… Our greatest concern is the potential for this virus to spread to countries with weaker health systems which are ill-prepared to deal with it… This declaration is not a vote of non-confidence in China… On the contrary, WHO continues to have the confidence in China‚Äôs capacity to control the outbreak,” sabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Hindi naman inirerekomenda ng WHO na limitahan ang pagbiyahe at pagnenegosyo sa bansang Tsina.

Source: South China Morning Post | Channel New Asia | | Bloomberg | WHO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén