Local News

Mga Nagpo-protestang Health Workers, NPA ang Nasa Likod? Dr. Herbosa, May Binunyag!

Sa panayam kay Dr. Ted Herbosa sa SMNI news channel, nagbigay ito ng rebelasyon patungkol sa ilang grupo ng mga health workers na konektado umano sa mga makakaliwang grupo. Ilan sa mga napag-usapan nila ay ang grupong Alliance of Health Workers.

Ayon kay Dr. Herbosa, maraming proyekto na nabara ang mga aktibistang health workers. Isa daw sa mga napahinto ng mga ito ay ang modernization ng Philippine Orthopedic Center. Binunyag din ni Dr. Herbosa na ang social media page ng mga aktibistang health workers ay naglalaman ng mga talumpati ni Joma Sison, ang founder ng Communist Party of the Philippines.

Magugunita na nitong mga nagdaang mga araw ay naging laman ng balita ang sunod-sunod na kilos-protesta ng ilang grupo ng health care workers laban sa Duterte Administration.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: