Local News

Mga Nakumpiskang Droga Pruweba na Palpak ang Drug War ni DU30, ayon kay Alejano

Binabatikos ngayon ng ilang kababayann ang nagin pahayag ni MADGALO Congressman at Otso Diretso senatorial candidate Gary Alejano tungkol sa mga nadiskubreng bloke-bloke ng cocaine sa karagatan sadalampasigan ng Davao Oriental at Nueva Ecija. Ayon kay Alejano, ito raw ay senyales na palpak ang paglaban sa droga ng kaslukuyang gobyerno. Ang mga cocaine bricks na nakumpiska ay nakakahalaga ng P200 million.

“Pagkatapos ipagmalaki ng administrasyon ang mga tagumpay umano ng drug war policy nito, patuloy naman ang pagpapasok ng bulto-bultong ilegal na droga sa ating bansa… The drug war is a failure,” sabi ni Alejano.

Banat pa ni Alejano, tanda raw ito na kumpiyansa daw ang mga durugista na maipasok ang droga sa bansa dahil hindi daw sila hinahabol ng gobyerno.

“Three years of government’s crackdown on illegal drugs and thousands of drug suspects killed did not deter the continuous entry of drugs in our country. Those who continue to bring in illegal drugs are obviously confident that the government will not go after them,” boladas ni Alejano.

Hindi naman pinalampas ng mga kababayan natin ang bagong pahayag ni Alejano. Ayon sa ilang netizens, paano magiging failure ang drug war kung may nadidiskubre at nakukumpiskang droga?

Source: MB

Leave a Reply