Local News

Mga NPA, Ginulo ang Relief Operation ng mga Sundalo! Mga Rebeldeng Komunista, Sugatan ang Inabot!

Binunyag ni 2ID Spokesperson Capt. Jayrald Terno na na naghasik ng kasamaan ang mga New People’s Army (NPA) habang nagsasagawa ng relief operation ang mga tropa ng gobyerno.

“Sa gitna ng pandemiya, sa gitna ng kalamidad, nagkaroon tayo ng 3 encounters dito sa pagitan ng ating kasundaluhan at sa NPA terrorist dito sa Macalelon, Qurzon noong nakaraang Sunday,” sabi ni Cpt. Ternio.

Ayon sa army official, wala daw nasawi sa magkabilang panig pero may mga bahid ng dugo na senyales na may sugatan sa hanay ng mga rebeldeng komunista. Ayon kay Ternio, kung hindi nanggulo ang mga bandido, naka-tuon na lang sana ang kanilang pwersa sa pagtulong sa mga residenteng apektado ng kalamidad.

Nakumha raw ng mga militar ang mga kagamitan ng mga NPA tulad ng armas at mga war paraphernalia.

“Naka-tatlong bagyo na tayo… Yung statement nga ng ating mahal na heneral ng 2ID na si Major General Almerol, talagang kinukundina niya ang mga terorista for inducing warfare while people are suffering. Kung hindi sila nagpo-pose ng threat sa locality sa area, eh di sana ang mga sundalo ay maka-focus sa relief operations,” ani Cpt. Ternio.

Gumagawa na raw ng hakbang ang mga tropa ng pamahalaan para suportahan ang kanilang operasyon. Pinyuhan na rin ang knailang tropa na maging mapag-matiyag at alerto para hindi maisahan ng mga rebeldeng komunista.

Source: Birada Bendijo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén